HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

 Kaya pinakasalan, Tanya buntis na uli!

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
SuperMeg



Posts : 248
Join date : 2010-06-28
Age : 19

PostSubject: Kaya pinakasalan, Tanya buntis na uli!    Sat Aug 14, 2010 2:28 pm



Alam mo ba Salve A., na buntis ngayon ang ak­tres na si Tanya Garcia (now officially Mrs. Mark Lapid) sa kanilang ikalawang anak ng dating go­bernador ng Pampanga at ngayo’y Philippine Tou­r­ism Authority (PTA) manager na si Mark Lapid?

Misis na misis na talaga si Tanya matapos silang magpakasal (civil) nung nakaraang Hulyo 30, 6:00 p.m. sa Marissa Hall ng Porac, Pam­panga.

Pagkatapos ng civil wedding, isang engran­deng ka­sal sa simbahan ang susunod pero mang­yayari lamang ito matapos isilang ni Tanya ang ka­nilang ikalawang baby ni Mark.

* * *

Parehong baguhan sina Andi Eigenmann at Matteo Guidicelli, mga pangunahing bituin ng top-rating primetime TV series ng Dos na Agua Ben­dita pero naging instant stars ang dalawa dahil sa lakas ng following ng teleserye.

Malaking risk din ang ginawa ng ABS-CBN nang kanilang sugalan sina Andi at Matteo na wala pang pruweba bago ang Agua Bendita pero hindi sila nagkamali dahil pumalo ng husto sa ratings ang programa.

Of course, hindi puwedeng isantabi ang strong cast support ng Agua... tulad nina Jason Abalos, John Estrada, Vina Morales, Pilar Pilapil, at maraming iba pa. Actually, ang kabuuan ng istorya at cast ang nagdala ng tagumpay ng show at siyang nagtulak kina Andi at Matteo sa star status.

* * *

When it rains, it pours! Ito ang nangyayari ngayon sa komedyanang si Eugene Domingo na talaga namang super in demand sa mga pana­hong ito. Meron siyang Inday Wanda sa TV5 na magsisimula sa susunod na bu­wan at tatlo ang kanyang regular TV programs sa GMA 7, ang Wachamakulit, Comedy Bar, at ang bagong simulang TV sitcom na Jejemom.

Labas pa rito ang kanyang bagong pelikula under Regal Films, ang Mamarazzi.

Kahit umaariba na ang career ni Uge, gustung-gusto pa rin niyang ma­katrabaho ang kanyang BFF na si AiAi de las Alas. Ayaw din niyang ikum­para kay AiAi dahil malayo na umano ang narating nito at gusto naman niyang makilala siya sa sarili rin siyang sikap. Ayaw ding mang-agaw ng titulo ni Uge.

Tulad ng ibang babae, nangangarap din naman si Uge na magkaroon ng sarili niyang pamilya at umaasa siya na ito’y mangyayari kahit hindi pa ngayon pero alam niyang darating ang tamang panahon.

* * *

Since unti-unti nang nakakapag-move on si Kris Aquino matapos ang pakikipaghiwalay kay James Yap, dapat lang siguro na ganoon din ang gawin ni James. Pero ang hindi nila dapat talikuran ay ang kanilang obligas­yon bilang mga magulang ng kanilang anak na si Baby James na wala pang kamuwang-muwang sa nangyaring hiwalayan ng kanyang parents.

Samantala, pormal nang inihain ni Kris ang pagsampa ng nullity ng ka­nilang kasal ni James na sa simula pa lamang ay may problema na pala kaya malamang na ma-grant kaagad ang annulment ng kanilang marriage.

* * *

Marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa ring aminin sa publiko nina Piolo Pascual at KC Concepcion ang tunay nilang relasyon kahit obvious naman na may special something na namamagitan sa kanilang dalawa.

Mukhang walang magiging problema si Piolo sa mga magulang ni KC na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion at maging sa stepdad na si Sen. Kiko Pangilinan.

Iba ang kislap ng mga mata ni KC kapag si Piolo ang topic. Sila na nga kaya? Ano sa tingin mo, Salve A.?

Hindi naman lingid sa kaalaman ni KC na may 12-year-old son si Piolo, si Iñigo, na kapisan ng ina nito sa Amerika.

At 33, nasa tamang edad na si Piolo na lumagay sa tahimik. Si KC na nga kaya ang hinahanap niyang tamang babae na kanyang ihaharap sa dambana?

Mabait, matulungin sa pamilya, at God-fearing si Piolo, mga katangian na hinahangaan ng panganay ni Megastar.
Back to top Go down
 
Kaya pinakasalan, Tanya buntis na uli!
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Female drivers..
» JuJu Smith update
» 7m Epic Renegade complete

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: