HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

  Drug test sa mga tsuper hirit ng PDEA

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
benchok24
Admin
Admin


Posts : 1071
Join date : 2010-06-10
Age : 33
Location : makati

PostSubject: Drug test sa mga tsuper hirit ng PDEA    Mon Aug 23, 2010 11:04 am



MANILA, Philippines - Iginiit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na obligahing magpa-drug test ang mga driver ng mga pampa­sa­herong sasakyan bunsod na rin ng lumalalang aksi­dente sa kalsada na ikina­sawi na ng maraming buhay.

Umapela si PDEA Director General/Senior Un­der­secretary Dioniso R. Santiago sa transport groups na gawin nilang requirement ang drug test sa kanilang mga tsuper kasunod ng ulat na ang naarestong dispatcher ng Eso Nice bus na nahulog sa 30-metrong lalim na bangin sa Bgy. Banangan, Sablan, Benguet noong August 18, 2010 na ikina­sawi ng 42 katao, ay nasa watchlist umano ng PDEA.

Kinilala ang dispatcher na si Alfredo Rivera alyas Jojo na nahuli ng pinag­sanib ng operasyon ng PDEA RO1 at La Union Police sa bisinidad ng Eso Nice Terminal sa San Fer­nando City, La Union.

Si Rivera ay nasa watchlist ng PDEA RO1 dahil itinuturo itong source umano ng droga o shabu ng mga bus drivers at conductors. Naaresto si Rivera makaraang magbenta ito ng shabu sa isang undercover PDEA agent sa hala­gang P1,000.

Ang pag-aresto kay Rivera ay patunay sa ulat na ilan sa mga aksidente sa kalsada na kinasasang­ku­tan ng mga public transport vehicles ay hindi sanhi ng mechanical trouble kundi dahil sa ang driver nito ay nasa impluwensya ng droga.

Nababahala si San­tiago sa mataas na bilang ng drug-related road accident sa Metro Manila na ang mga driver ay bumi­biyahe sa malalayong ruta.

“We have seen an alarming rise in these incidences where drivers use dangerous drugs to stay awake especially if they are driving overnight (grave­yard shift) or long distances. We are calling on the leaders of transport groups to help us police their ranks and encourage their members to submit themselves for drug testing as a deterrent to illegal drug use among drivers,” sabi ni Santiago.


source:p.star ngayon
Back to top Go down
 
Drug test sa mga tsuper hirit ng PDEA
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Fuel Pressure Regulator Test
» Reaction test
» HCP test passed
» planning to go for handicap test, need advise
» 50fps Test - Feedback REALLY appreciated!

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: