Basketbol ng Pilipinas
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalGalleryLatest imagesRegisterLog in

 

 Mayor Lim idiniin!

Go down 
AuthorMessage
benchok24
Admin
Admin
benchok24


Posts : 1071
Join date : 2010-06-10
Age : 40
Location : makati

Mayor Lim idiniin! Empty
PostSubject: Mayor Lim idiniin!   Mayor Lim idiniin! I_icon_minitimeFri Aug 27, 2010 10:12 am

Mayor Lim idiniin! 2ic6yc10

MANILA, Philippines - Itinuro ni Manila Police District director Chief Supt. Rodolfo Magtibay na si Manila Mayor Alfredo Lim ang nag-utos na arestuhin ang kapatid na pulis ng hostage-taker sa ginanap na pagdinig ng Senado kahapon.

Sinabi ni Chief Supt. Magtibay sa isinagawang pagdinig ng senate committee on public order and illegal drugs, si Mayor Lim ang mismong nag-utos sa kanya na arestuhin si SPO2 Gregorio Mendoza, kapatid ng hostage-taker na si Sr. Insp. Rolando Mendoza.

Ayon kay Magtibay, si Mayor Lim ang chairman ng local crisis management committee na siyang naka­ tutok sa nangyaring hostage drama noong Lunes sa Quirino Grandstand.

Tinanong ni Sen. Jinggoy Estrada si Mag­tibay kung sino ang nag-utos na arestuhin si SPO2 Mendoza dahil ito ang nagpa-init kay Sr. Insp. Mendoza na naka-monitor pala sa telebisyon sa loob ng bus hanggang sa aminin ng MPD chief na si Lim ang nag-utos mismo sa kanya.

Inamin din ni Magtibay sa nasabing hearing na kulang sila sa kagamitan at desisyon niyang ang SWAT team ng MPD ang manguna sa operasyon kaysa sa Special Action Force (SAF) na may sapat na kaalaman sa paghawak ng hostage crisis.

Winika pa ng dating MPD chief, may tiwala siya sa kakayahan ng kanyang SWAT team matapos siguruhin sa kanya na kaya nilang resolbahin ang nasabing hostage crisis.

Sinabi naman ni DILG Sec. Jesse Robredo sa pagdinig ng Senado na ipinaubaya niya kay Mayor Lim ang paghawak sa hostage crisis dahil sa bukod sa pagiging dating pulis at NBI director ay naging DILG chief din ito at Se­nador na may sapat na kaalaman na hawakan ang naturang sitwasyon.

Kinumpirma din ni SPO2 Mendoza sa isang radio interview na si Lim ang nag-utos sa pulisya na siya ay arestuhin sa ka­sagsagan ng hostage crisis noong Lunes.

Itinanggi naman ni Mayor Lim na siya ang nagpaaresto kay SPO2 Mendoza matapos siyang ituro ni Magtibay.

Wika pa ni Mayor Lim, baka na-rattle lamang si Magtibay kaya biglang siya ang itinuturo nito.

Aniya, nagtungo siya sa Quirino Grandstand ban­dang 5:00 p.m. ng hanggang 6 p.m. para sabihan si Mag­tibay na siguruhin ang ka­lig­­tasan ng mga hostages at hostage-taker.

Samantala, tiniyak na­man ni Pangulong Be­nigno Aquino III na may mana­nagot sa naganap na ma­dugong hostage drama kung saan ay 8 mula sa 21 Hong Kong tourists ang nasawi noong Lunes.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa pangunguna nito sa ground breaking ceremony ng Isaac Lopez Integrated School at Rizal Rechonological University Education and Law Center sa Mandaluyong City, sigu­radong may mananagot sa oras na matapos ang imbestigasyon hinggil sa nangyaring hostage crisis noong Lunes.

Inatasan ni Aquino ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) upang manguna sa imbes­tigasyon kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) upang matu­koy ang tunay na nangyari sa hostage crisis.

Inamin din ni P-Noy ang naging pagkukulang sa kaalaman at kakayahan ng law enforcers at na­ngakong itutuwid niya ang mga pagkukulang na ito sa ilalim ng kanyang pama­halaan.

Wika pa ni Pangulong Aquino, tanggap niya ang mga pagbatikos sa kan­yang administrasyon ga­yun­din sa pulisya dahil sa nangyaring hostage crisis kung saan ay 8 HK nationals ang nasawi matapos ang mahigit 10-oras na hostage taking sa Quirino Grandstand noong

source:gma
Back to top Go down
 
Mayor Lim idiniin!
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Mayor Lim singled out for criminal charges
» Kris and Mayor Binay spotted together in Makati
» Informal Settlers Asked to Accept QC Mayor’s Relocation Offer

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: