HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

  Aid ng China sa Pinas itinigil!

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
benchok24
Admin
Admin


Posts : 1071
Join date : 2010-06-10
Age : 33
Location : makati

PostSubject: Aid ng China sa Pinas itinigil!    Thu Sep 02, 2010 10:38 am

MANILA, Philippines - Lalo pang lumawak ang pinsala na nilikha ng madugong hostage crisis matapos ihinto ng China ang tulong na ibibigay sana sa Pilipinas.

Sinabi kahapon ni Senator Edgardo Angara na inihayag na umano ng China na hindi na sila magla­ labas ng aid o tulong sa Pilipinas hangga’t hindi naipa­palabas ang resulta ng “fair at objective” na imbes­tigasyon kaugnay sa madugong hostage-taking kung saan walong turista mula sa Hong Kong ang namatay.

Ayon kay Angara, umaasa ang China na magiging patas at makatotohanan ang isinasagawang imbes­tigasyon ng Pilipinas at dito ibabatay kung ibibigay pa ang tulong sa Pilipinas.

“China announced that they will not release any single centavo of aid previously committed, nor extend anymore until the result of this investigation,” sabi ni Angara.

Sigurado si Angara na may kinalaman sa hostage crisis ang paghinto ng tulong ng bansang China.

Pero hindi tinukoy ni Angara kung magkano ang aid na hindi na ibibigay ng China sa Pilipinas.

Sinabi ni Angara na “understandable” naman o nauunawaan nila ang naging hakbang ng China lalo pa’t halos 11 oras na napanood sa buong mundo ang ginawang pagpatay sa mga turistang galing sa Hong Kong.

Ayon pa kay Angara, maraming aid o tulong ang natatanggap ng Pilipinas mula sa bansang China bago maganap ang madugong hostage crisis.

by phil star
Back to top Go down
 
Aid ng China sa Pinas itinigil!
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Made in China clubs
» China Hat Road
» Doubtful website from China selling golf equipment online
» Worse than China
» Forged Irons from Japan vs US or China – The Facts

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: