HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

 Tattoo, body piercing bawal sa menor de edad

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
benchok24
Admin
Admin


Posts : 1071
Join date : 2010-06-10
Age : 33
Location : makati

PostSubject: Tattoo, body piercing bawal sa menor de edad    Thu Sep 02, 2010 10:42 am

MANILA, Philippines - Dahil sa masamang epekto sa kalusugan ng tattoo at body piercing, nais ni Senator Manny Villar na patawan ng 6 na taong pagkabilanggo at multang hindi lalam­pas sa P20,000 ang sinu­mang mahuhuli na mag­lalagay nito sa mga wala pang 18 taong gulang o menor de edad.

Sa Senate Bill 1125 na inihain ni Sen. Villar, sinabi nito na maraming health implications ang paglalagay ng tattoo at body piercing kaya dapat itong i-regulate ng gob­yerno.

Hanggang ngayon aniya ay hind pa mala­man ang chemical structure ng coloring agents na ginagamit sa pagta-tattoo na sinasa­bing may mataaas na microbiological at impurities at ma­rami ring kasa­mang metals katulad ng cobalt at mercury.

Kabilang umano sa health effects na naku­kuha sa pagpapalagay ng tattoo at body piercing ay mga viral infections katulad ng hepatitis, AIDS at cuta­neaous infections; bacterial infections katulad ng impetigo, toxic shock sybdrime, tetanus, chancroid, tuberculosis at leprosy.

May mga nagpapa-tattoo rin umano ang nagkakaroon ng fungal infections at allergic reactions.

Posible ring uma­nong magkaroon ng pagbabago sa ugali o behavioral changes ang mga nagpapalagay ng tattoo o body piercing at magkaroon ng iba pang uri ng sakit sa balat katulad ng psoriasis.

Nais ni Villar sa kani­yang panukala na ku­muha muna ng consent mula sa magulang o guardian ang isang minor na nais magpa-tattoo o body piercing.

Dapat ding magpa­kita ng personal identification ang isang taong nais magpalagay ng tattoo o magpa-body pier­cing upang patunayan na lampas na sa 18 taong gulang ang kani­lang edad.


by;phil star
Back to top Go down
ginebraghurl



Posts : 354
Join date : 2010-07-04
Age : 24
Location : san juan

PostSubject: Re: Tattoo, body piercing bawal sa menor de edad    Thu Sep 02, 2010 11:36 am

dapat matagal nang pinagbawal yan...
Back to top Go down
 
Tattoo, body piercing bawal sa menor de edad
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» VW's and Wooden body conversions -(Politically Correct title)
» T2 body panel welding
» '98 CORVETTE MOTOR F BODY ACCESORIES
» Cheap Ute body for sale in Wagga Wagga
» Any one do body work or repainting?

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: