HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

 Kris and Mayor Binay spotted together in Makati

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Magic Man13
Admin
Admin


Posts : 1762
Join date : 2010-06-11
Age : 43
Location : Batangas City

PostSubject: Kris and Mayor Binay spotted together in Makati   Sun Sep 05, 2010 9:05 am



Lumabas sa PEP Alerts last Thursday, September 2, ang balita tungkol sa isang sighting na magkasama raw sina actress-TV host Kris
Aquino at Makati City Mayor Junjun Binay sa Glorietta 4 noong Lunes ng gabi, August 30.

Gabi nitong Biyernes, September 3, ay ipinalabas naman sa showbiz talk show ng Q-11 na Tweetbiz ang exclusive cell phone video na kuha ni Tweetbiz paparazzo Danzen Santos na magpapatunay na totoo ang naiulat na sighting kina Kris at Mayor Junjun.

Ayon kay Danzen, nagkataong pagkababa niya ng kotse at papasok na siya ng Glorietta 4 nang mamataan niya sina Kris at Mayor Junjun sa labas ng mall malapit sa Tony Roma's restaurant. Kasama ni Kris ang mga anak niyang sina Joshua at Baby James. Habang si Mayor Junjun naman ay may kasamang katulong na may mga bitbit na shopping bags.

Kaagad daw inilabas ni Danzen ang kanyang cell phone para kunan ng video ang mga ito. Hindi naman alintana nina Kris kahit pa may mga taong kumukuha ng video at pictures nila.

Ikinagulat daw ni Danzen nang biglang magsalita si Baby James at sabihin daw nito kay Mama Kris niya, "Is he your boyfriend?" Ang tinutukoy ni Baby James ay si Mayor Junjun.

Noong una ay hindi raw pinansin ni Kris ang sinabi ng anak, pero nang ulitin daw ni Baby James ang naturang tanong ay doon pa lang nito napagtanto ang sinabi ng anak. Natatawang sinabi raw ni Kris, "Hindi ko siya boyfriend." Niyakap na lang daw ni Kris si Baby James at nagkatawanan na silang lahat.

Marahil daw kaya iyon naitanong ni Baby James ay baka nakapanood ito ng mga tsismis sa showbiz talk shows, lalo na nung kainitan ng isyu ng pagli-link kina Kris at Major Junjun.

Tinanong naman ni Tweetbiz host Tim Yap kay Danzen kung nagde-date ba sina Kris at Mayor Junjun?

"Well, hindi sila nag-holding hands. Pero para sa akin, they must be really close para isama niya [Kris] si Junjun Binay sa kids niya...sa isang lakad na kasama ang kids niya. Ang maganda diyan, ibig sabihin may magandang relationship si Mayor Junjun sa mga anak ni Kris kasi magkakasama sila sa mall," sabi ni Danzen.

Nakausap din ng PEP si Danzen para itanong kung ano na ang sumunod na nangyari after ng naturang video at kung nasundan pa ba niya sina Kris at Mayor Junjun?

Ayon kay Danzen, pagkatapos niya raw makakuha ng video ay iniwan na niya ang area dahil kailangan niyang i-meet ang kanyang friend na kasama niyang manonood ng sine ng gabing iyon. Nang magkita sila ng friend niya ay binalikan pa ni Danzen sina Kris, pero wala na raw ang mga ito.

THE CLOSENESS. Nali-link ngayon sa isa't isa sina Kris at Mayor Junjun na biglang naintriga matapos makipaghiwalay ni Kris sa asawang si James Yap. Naging malapit ang actress-TV host at ang alkalde dahil halos sabay silang nawalan ng minamahal sa buhay noong isang taon.

Ang ina ni Kris na si dating Pangulong Cory Aquino ay namatay noong August 1, 2009, pagkatapos ng mahigit isang taong pakikipaglaban sa colon cancer. Ang misis naman ni Mayor Junjun na si Kennely Ann Lacia-Binay ay namatay noong August 11, 2009, sa komplikasyon sa pagluluwal sa ika-apat na anak nila ng dating konsehal ng Makati. Parehong na-confine noon sa Makati Medical Center sina Tita Cory at Kennely Ann.

Matatandaan pang nabanggit ni Kris sa panayam niya sa SNN (Showbiz News Ngayon) noong July 30 na isa si Mayor Junjun sa mga lalaking malapit sa kanya sa ngayon.

"Among everybody na nili-link sa akin, he's the only one I have been communicating with," saad ni Kris. "Kaklaruhin ko po, hindi siya nanliligaw sa akin. Pero matalik ko siyang kaibigan. Nakilala ko siya when I was grieving for my mother. Nakilala niya ako when he lost his wife."

Sa panayam naman ng ABS-CBN News kay Mayor Binay noong August 13, sinabi nito na "flattered" siya nang narinig ang pahayag ni Kris na siya raw ay isang mabuting kaibigan, at nasa kanya na raw ang lahat ng "qualities that I admire in a man."

Pahayag ni Mayor Binay, "First of all, we're friends... And I feel obviously flattered with what she said... She's going through a lot, so again, like what I said in my previous statement, let's just pray for her because she's going through a lot at this point in her life."

Ipinagdarasal din daw ng bagong alkalde ng Makati ang kaligayahan ni Kris lalo na nga't nahaharap ito sa krisis sa kanyang buhay may-asawa matapos nitong mag-file ng declaration of nullity of marriage nila ni James Yap.

"So, ito yung salita ng isang kaibigan na siyempre, gusto rin natin na maging matibay siya. At the same time, after she has come through all of these, sana lumigaya din yung tao," sabi ng alkalde ng Makati.
Back to top Go down
 
Kris and Mayor Binay spotted together in Makati
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Son of a Beech! Kris tells Pens to flock off
» Kris Humphries must be retarded
» MB Spotted Bay Bass Video
» SPOTTED BAY BASS TECHNIQUES
» Nike Extravaganza Recap - Kris Yanku

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: