HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

 Ballistics tests, autopsy sa hostage iprinisinta ng NBI

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
benchok24
Admin
Admin


Posts : 1071
Join date : 2010-06-10
Age : 33
Location : makati

PostSubject: Ballistics tests, autopsy sa hostage iprinisinta ng NBI    Thu Sep 09, 2010 10:07 am


MANILA, Philippines
- Iprinisinta kahapon ng NBI sa DOJ-IIRC hearing ang ballistic tests, trajectory ng bala sa bus at autopsy na isinagawa sa walong HK tourists na nasawi sa insidente.

Umaabot sa 35 bullet holes ang natukoy sa loob ng bus habang sa kanang bahagi ng bus ay 19 bullet holes ang nakita ng NBI. Maging ang blood analysis sa bakas ng dugo at ang mga physical evidence na nakita sa bus ay iprinisinta ng NBI.

Apat sa nasawi ay lalaki at apat na babae at tatlo sa mga biktima ay may tig-isang tama ng bala sa ulo habang ang tatlo ay may tig-isang tama ng bala sa katawan. Ang tatlo umano sa mga nasawi ay hindi na-autopsy, at external examination lamang ang ginawa.

Samantala, posible umanong hindi napatay ng mga snipers si dating Sr. Insp. Rolando Mendoza taliwas sa naunang pahayag ng pulisya.

Sinabi ni DILG Secretary Jesse Robredo, na base sa trajectory ng bala lumalabas na ang fatal wounds na pumatay kay Mendoza ay dahil sa pamamaril ng assault team at hindi sa snipers na nakapuwesto malayo sa bus.

Ito ay base na rin sa assessment ng NBI kung saan sinabi nito na buhat sa labas ng bus nagmula ang tama ng bala.

Kahapon ay nagsagawa na rin ng ocular inspection at re-enactment ang panel ng DOJ-Incident Investigation and Review Committee sa loob ng Hong Thai bus na nasa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Tumanggi naman si Robredo na magbigay ng konklusyon dahil hihintayin muna ang resulta kung anong bala at saang galing baril ang pumatay kay Mendoza.

Hindi rin masiguro ng Kalihim kung mula sa “friendly fire”ang nakapatay sa walong hostages bagamat nauna nang sinabi ng pulisya na si Mendoza ang nakapatay sa mga ito base sa forensic result.

Siniguro naman ni Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) president Herman Basbaño na miyembro din ng panel, na iniimbestigahan na nila ang mga posibleng paglabag ng mga media networks na nagkober sa madugong hostage-taking.

Ito ay matapos na manindigan ang dalawang broadcaster na sina Susan Enriquez ng GMA-7 at ErwinTulfo, reporter ng RMN/TV-5 na wala silang paglabag sa protocol ng mga awtoridad tungkol sa pagko-cover ng naturang hostage.


source phil star
Back to top Go down
 
Ballistics tests, autopsy sa hostage iprinisinta ng NBI
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» best wicket keepers in tests of all time
» 1st telecast of the Hostage crisis in Manila last year History Channel Starhub
» Alexei Cherepanov in serious condition
» Golf Magazine's Club Test 2011 - New Drivers and Irons
» Kid born to be a sports star? Take genetic test.

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: