HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

 DRUG ADDICTS SINUPLAYAN NG DOH?

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
benchok24
Admin
Admin


Posts : 1071
Join date : 2010-06-10
Age : 33
Location : makati

PostSubject: DRUG ADDICTS SINUPLAYAN NG DOH?    Thu Sep 09, 2010 10:12 am

Nakatakdang imbestigahan ng Senado ang report na namimigay ang Department of Health (DOH) ng syringes (ineksyon) sa mga drug addict sa bansa.


Ang imbestigasyon sa kontrobersyang ito ay ipinasa sa balikat ni Sen. Gregorio Honasan, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs, matapos na ibunyag ni Se­nate majority leader Vicente ‘Tito’ Sotto III ang nasabing programa ng DOH.


Sa isang privilege speech, sinabi ni Sotto na ang Harm Reduction Program ay itinutulak ng mga adik sa iligal na droga habang isinasagawa ang 52nd session ng Commission on Narcotic Drugs sa Vienna, Austria noong Marso 2009.
Tatlo sa mga kamag-anakan ng Maguindanao massacre victims ang naghihintay na makapasok sa guwardiyadong court room sa loob ng BJMP sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kaugnay ng pag-usad ng patung-patong na kasong murder laban kay Andal Ampatuan Jr. at mga kasama. (Jonas Sulit)


Ikinatwiran ng mga kabataan at may katandaan nang adik na nagpiket sa labas ng UN auditorium sa Austria na dahil sa hindi na mapipigilan ang paggamit nila ng iligal na droga, mas makabubuting alalayan na lamang sila ng gobyerno sa pagbibigay ng libre at malilinis na karayom upang hindi sila magkahawaan ng nakamamatay na HIV-AIDS.


“These past few days, I just received a report that our own Department of Health have started to experiment on this misguided proposition. In Cebu City, the head of the Cebu City Health Department admitted, in a news item by the Sun Star dated September 4 that they are implementing a Harm Reduction Program providing syringes to drug abusers in Cebu, particularly in Bgy. Camagayan in Cebu City, the area where an NGO and DOH officials are distributing syringes,” paglalahad ng senador.


Sinabi ni Sotto na itinuturing ng technical wor­king group ng Dangerous Drugs Board ang Bgy. Camagayan sa Cebu bilang may pinakamaraming gumagamit ng “Nobaine” -- isang bagong dangerous drug na itinuturok.


“They say HIV-AIDS is prevalent in the area but Mr. President, providing syringes to drug abusers is a crime under Republic Act 9165,” pagdidiin ni Sotto.


Nanindigan pa si Sotto na hindi dapat kinukunsinte ng DOH ang programang ito dahil sa lalo lamang ineengganyo ng kagawaran ang mga tao na gumamit ng iligal na droga na isa nang problema ng ating lipunan.


“It’s about time that we be made aware of this contradiction in our practices and policies. We cannot be hitting the drug criminals with our right hand and providing them with the tools of their crime with our left hand,” katwiran ng senador.

source abante
Back to top Go down
 
DRUG ADDICTS SINUPLAYAN NG DOH?
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Aircooled Addicts sponsered car show
» Show & Shine Big Sam"s BBQ ADDICTS July 2nd. 10am-2pm
» Equipment Addicts Anonymous
» WinterJam 2010 Results
» ¥¥¥ Japan domestic market (JdM) addicts ¥¥¥

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: