Basketbol ng Pilipinas
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalGalleryLatest imagesRegisterLog in

 

  P-Noy napikon

Go down 
AuthorMessage
benchok24
Admin
Admin
benchok24


Posts : 1071
Join date : 2010-06-10
Age : 40
Location : makati

  P-Noy napikon   Empty
PostSubject: P-Noy napikon      P-Noy napikon   I_icon_minitimeFri Sep 10, 2010 8:01 am

  P-Noy napikon   1zlq2v10

MANILA, Philippines - Hindi naitago ni Pa­ngulong Noynoy Aquino ang kanyang pagkapikon ng makitang inaresto ang kapatid ni Sr. Insp. Ro­lando Mendoza saka pino­sasan na nagpainit ng ulo sa hostage-taker.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagharap sa media panel sa ‘no-holds-barred’ interview sa Mala­cañang na napikon siya ng makita ang nangyayari sa Quirino Grandstand lalo ng hulihin at posasan si SPO2 Gregorio Mendoza, ang kapatid ng hostage-taker.

Ayon kay Aquino, ang unang pumasok sa kan­yang isipan ay kung sino ang nag-utos na hulihin si SPO2 Mendoza.

Wika pa ni P-Noy, mula umaga ay naka-monitor na siya sa nangyaring hostage incident at inasahan niyang mareresolba ito ng walang dugo dahil naging cooperative naman si Sr. Insp. Mendoza kung saan ay nagpapalaya ng kan­yang mga bihag kahit hindi pa nakukuha ang kanyang demand na maibalik siya sa PNP.

Aniya, ipinaubaya niya sa local crisis management committee ang pagresolba sa hostage incident noong Agosto 23 kung saan ay 21 HK tourists at 4 na Pinoy ang nabihag na lulan ng bus.

Sinabi ni Aquino, mas pinili niyang ipaubaya sa local crisis committee ito dahil sa tiwala niya sa kakayahan ni Manila Mayor Alfredo Lim bukod sa tiwala niya kay NCRPO chief, Chief Supt. Leocadio Santiago dahil sa dating pinuno ito ng Special Action Force (SAF) na may kakayahan sa paglutas sa kanilang krisis.

“Siguro I should take active role. Napikon na ko ng makita ang paghuli sa kapatid ni Mendoza. Sino ang nag-utos nito,” wika pa ni P-Noy sa media interview nina Mel Tiangco ng GMA 7, Tred Failon ng ABS-CBN 2 at Paolo Bediones ng TVl 5.

Wika pa ng Pangulo, siniguro din sa kanya na ang SAF ang gagamitin sa paghawak sa krisis dahil sa kapasidad at kapabi­lidad ng mga ito na nag­sanay sa ganitong sitwasyon.

Aniya, naisip din niya na magtungo sa hostage incident subalit baka lalo lumala ang sitwasyon at lumawak ang magiging demand ni Mendoza kaya hindi na siya nagpunta dito at ipinaubaya sa local crisis committee ang pagre­solba lalo ng siguruhin na SAF ang naroroon.

Pero ikinagulat niyang ang SAF pala ay hindi ang ginamit sa paglutas sa krisis hanggang sa duma­ting ang oras ng pag-assault sa bus na lubhang napakabagal ng pagkilos lalo ng unang paputukan ang gulong ng bus.

Inisip din niyang mare­resolba ang krisis hang­gang sa abutin ito ng ma­daling-araw kung saan ay mapapagod na ang hostage-taker at magiging mahinahon na ito.

Nilinaw din ni P-Noy ang ginawang pagtawag umano ni HK administrator Donald Tsang na hindi niya nasagot bagkus ay pina­daan sa proper channel na tamang protocol lamang naman.

Humingi na siya ng apology sa Chinese government sa nangyari dahil nabigo ang gobyerno na mailigtas lahat ang mga hostage victims na tinang­gap naman ng Chinese government.

Sinabi din ni Aquino, tinanong din niya ang kan­yang sarili kung mayroon ba siyang naging pagkuku­lang at kung kumilos siguro siya ay baka hindi na uma­bot sa ganito ang sitwas­yon dahil para sa kanya ay napakahalaga ng buhay kaya gagawa ang gob­yerno ng mga corrective measures upang hindi na maulit ang sitwasyong ito.

Umaasa siya na ma­ nu­numbalik muli ang tiwala ng ibang bansa sa Pili­pinas dahil nakikita naman nila ang ginaga­wang parehas na imbesti­gasyon ng IIRC kasabay ang pani­niguro na sisiba­kin at ka­kasuhan ang dapat mana­got sa hostage incident.


source phil star
Back to top Go down
 
P-Noy napikon
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: