HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

 Reyes sinibak si Orcollo

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
ginebraghurl



Posts : 354
Join date : 2010-07-04
Age : 24
Location : san juan

PostSubject: Reyes sinibak si Orcollo    Sat Sep 18, 2010 11:36 am



MANILA, Philippines - Isang Pinoy pa rin ang maaaring lumabas na kampeon sa idinadaos na 10th Predator International 10-ball Championship sa SM North Edsa.

Nabigo si Dennis Orcollo sa hangaring maidepensa ang titulong pinanalunan noong nakaraang taon kay Ralf Souquet ng Germany nang maubos siya kay Efren “Bata” Reyes sa panimula ng Last 16 na isinagawa sa race to 9, winner’s break format.

Ipinamalas ni Reyes ang angking husay sa pagtumbok nang kunin ang pito sa sumunod na siyam na racks na pinaglabanan matapos ang 2-2 iskor tungo sa 9-4 tagumpay kay Orcollo.

Si Reyes na isa sa walong manlalarong uma­bante sa knockout stage mula sa loser’s group ay nakaabante sa Last 8 at nananatiling matibay pa ang hangaring maibaon sa limot ang di magandang ipinakita sa nakalipas na World Cup of Pool.

Bigo man si Orcollo ay matibay naman ang kampanya ng mga Pinoy cue artist dahil isa na lamang ang dayuhang palaban sa kampeonato at $12,000 unang gantimpala na nakataya sa torneo.

Tanging si Rodney Morris na lamang ang buhay pa sa hanay ng mga dayuhan matapos niyang lusutan si John Mora ng Canada sa mahigpitang 9-8.

Ang iba pang Pinoy na umabante sa Last 8 ay sina Antonio Lining, Lee Vann Corteza, Warren Kiamco at Jeff De Luna.

Si Lining ang masasabing kumuha ng malaking panalo sa hanay ng pambansang kalahok nang pagpahingahin niya ang kasalukuyang number one player na si Mika Immonen ng Finland, 9-6.

Naunang umalagwa si Immonen sa 4-2 iskor pero hindi niya kinaya na maipagpatuloy ang maagang paglayo upang mamahinga na rin sa torneo.

Si Corteza ay namumuro pa rin sa tangkang masundan ang pagka­pa­nalo sa Predator Sweet 16 sa pamamagitan ng 9-5 pa­nalo kay Jun Mazon, si Kiamco ay nangibabaw kay Ramil Gallego, 9-6, habang si De Luna ay dinaig ang gaya niyang nagbabalik sa pool na si Alex Pagulayan, 9-7.

Ginanap kagabi ang labanan sa Last 8 at nagkatapat sina Reyes at De Luna, Morris at Kiamco at Lining at Corteza.

Ang huling laro sa qua­terfinals ay sa pagitan ng mananalo kina Ronnie Al­cano at Carlo Biado at El­vis Calasang at Roberto Gomez.
Back to top Go down
 
Reyes sinibak si Orcollo
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Kendall Reyes - University of Connecticut Huskies
» Rider Spotlight: Justin Reyes
» Gloves: How much do they matter?

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Boxing, MMA & Other Sports-
Jump to: