HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

 Willie Revillame pinagbabayad ng halos kalahating bilyon ng ABS-CBN

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
ginebraghurl



Posts : 354
Join date : 2010-07-04
Age : 24
Location : san juan

PostSubject: Willie Revillame pinagbabayad ng halos kalahating bilyon ng ABS-CBN   Sat Sep 18, 2010 11:46 am

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ng ABS-CBN na aabot sa P426 milyon ang kailangang bayaran sa kanila ng dating Wowowee host na si Willie Revillame bilang liquidated damage o danyos sa paglabag niya sa kontrata sa network.

Ginawa ng ABS-CBN ang deklarasyon sa P486 milyong counterclaim na isinampa nito sa Quezon City Regional Trial Court laban kay Revillame.

Ang 139 pahinang counter-claim sa compulsory counter-claim na naunang isinampa ng da­ting host sa korte.

Bukod sa liquidated damage, sinabi ng network na kailangan ding magbayad si Revillame ng tig-P20 milyon bilang moral at exemplary damages bukod pa sa attorney’s fees at litigation expenses.

Ang abogado ng kumpanya na si Augusto San Pedro Jr. ang nagsampa sa sala ni QCRTC Judge Luisito Cortez ng kanilang answer at counter-claim laban sa dating television host. Sagot nila ito sa P11 milyong demandang isinampa ni Revillame laban sa ABS-CBN.

Sinabi ng ABS-CBN na walang karapatan si Revillame na humingi ng damages dahil siya ang nagkasala sa paglabag sa kanyang obligasyon sa ilalim ng kontrata niya sa network.

Kabilang anila sa mga paglabag ni Revillame ang unauthorized leave of absence sa Wowowee at pagtangging gawin ang kanyang obligasyon bilang talent.

Inihalimbawa rin ng ABS-CBN ang pahayag ni Revillame sa cortege video ni yumaong dating Pangulong Corazon Aquino, ang pagsasapubliko ng hidwaan niya sa isa pang talent ng network na si Jobert Sucaldito at paglabas niya sa isang television show ng rival network na TV5 na paglabag sa kontrata.

Pumirma sa ABS-CBN ng panibagong kontrata noon Setyembre 2008 na tatagal hanggang September 2011 sa Dos.

Noong May 25, pinatawan si Revillame ng tatlong buwang suspension without pay nang hilingin niya sa network na tanggalin si Sucaldito bilang talent dahil sa pagpintas nito sa mga guest ng Wowowee sa radio program nito.

Sinasabi pa ng ABS-CBN na naintriga at nagkaroon ng negatibong publisidad ang network dahil sa mga pahayag ni Revillame sa mga interview at ibang mga shows.
Back to top Go down
 
Willie Revillame pinagbabayad ng halos kalahating bilyon ng ABS-CBN
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Willie Sunderland quits
» Willie Gault breaks 50-54 age group 100m WR - 10.88
» Pittsburgh Steelers' Willie Colon had hair pulled out
» Willie Parker Joins Wesleyan Football Staff
» Willie Mitchell to sign with the Kings

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: