HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

 PEP: Joshua Dionisio denies blind item tagging him as 'pasaway'

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
SuperMeg



Posts : 248
Join date : 2010-06-28
Age : 19

PostSubject: PEP: Joshua Dionisio denies blind item tagging him as 'pasaway'   Fri Sep 24, 2010 9:23 pm

Natawa lang ang Kapuso teen actor na si Joshua Dionisio sa balitang may attitude problem na raw siya at kinaiinisan daw siya ng isang actor na nakatrabaho niya sa isang TV series. Hindi rin daw siya nakikinig at hindi naka-focus sa kanilang mga ginagawang eksena kaya parati siyang nagkakamali.

Nagsimula sa isang blind item sa isang tabloid ang tungkol sa isang young actor na nagiging pasaway raw sa set ng isang TV series. Pinagpasensiyahan daw siya ng isang kasama niyang aktor dahil bata pa nga ito. Pero hindi na raw matiis ng aktor ang mga ginagawa ng young actor kaya ito na raw ang gumawa ng paraan para tumino sa trabaho ang pasaway na young actor.

IN SELF-DEFENSE. Nakarating kay Joshua na siya ang tinutukoy na pasaway sa blind item na iyon. Sinabi nga ng teen actor na imposibleng maging pasaway siya sa set dahil kapag hindi raw siya ang kinukunan ay nasa standby tent lang daw siya at binabasa niya ang kanyang script.

"Natawa lang po ako kasi ako ang itinuturo nilang pasaway na young actor daw," sabi ni Joshua sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Unang-una, wala akong maalala na may nagalit sa akin na kasama ko sa show. Lahat naman po ay kaibigan ko. Mapa-kaedad ko or mas matanda sa akin. May respeto ako sa kanilang lahat.

"'Tsaka, paano po ako magpapasaway, e, nasa set din po ang mommy ko? Siya ang nagbabantay sa akin to make sure na hindi ako nagiging magulo sa set.

"Kapag hindi po ako kinukunan para sa isang eksena, nandoon lang ako sa tent namin at inaaral ko ang script. Or, kausap ko po ang ibang kasama namin sa show.

"At kung matagal pa ako bago kunan, pinapatulog muna ako ng mga staff sa set. Lalo na kung alam nilang may one hour akong hindi pa kukunan, pinapatulog talaga nila ako.

"Kaya imposibleng sabihin po nila na may attitude problem ako. Kahit tanungin pa nila ang mommy ko o ang ibang tao sa set. Never akong naging problema talaga," pagtatanggol ni Joshua sa sarili.

Isa pa raw sa magpapatunay na hindi naging sakit ng ulo si Joshua sa trabaho ay ang mga naging director niya sa TV. Kabilang na sina Direk Andoy Ranay na naging direktor niya sa First Time at Direk Maryo J. de los Reyes na humawak sa kanya sa Pilyang Kerubin.

Ayon kay Joshua, "Yung mga directors ko po naman ang makakapagsabi kung naging problema ako sa set or hindi, di ba? Sila ang makakaalam kung paano po ako magtrabaho talaga.

"Kung sakit na ako ng ulo, sana po kay Direk Andoy pa lang, may narinig na ako. Napagsabihan na sana po ako. Pero natapos namin ang First Time na okey kami.

"The same po with Direk Maryo. Bata pa lang ako, nakatrabaho ko na siya sa movie na Kulimlim. Kung problema ako sa set ng Pilyang Kerubin, kinausap na po sana ako ni Direk Maryo.

"Iniisip ko na lang na baka ibang artista 'yang tinutukoy nila. Baka ibang show din 'yan. As far as I know, hindi po ako nagiging pasaway. Palabiro lang po ako, pero hindi pasaway," diin pa niya.

Kung pasaway nga raw si Joshua, sana ay hindi na siya isinama sa bagong tween show ng GMA-7 na Reel Love Presents Tween Hearts. Dito ay muli niyang makakatambal si Barbie Forteza. Gaganap siya rito bilang si Josh, isang troublemaker na naging sanhi kung bakit kinailangang mag-attend sa isang recollection ang isang grupo ng teens.

BIG BROTHER. Sa edad ni Joshua na 15 years old, tumutulong na siya sa pag-aaral ng kanyang 12-year-old na kapatid na si Jacob Dionisio, na nag-aartista rin. Natutuwa nga siya at matatapos na raw dahil next year ay high school student na ito.

"Hindi ko naman po solo na pinag-aaral ang kapatid ko. Tumutulong ako sa mommy at daddy ko sa mga gastos niya sa school. Parang ang bilis nga kasi matatapos na pala siya sa elementary, at high school na siya.

"Masarap ang pakiramdam na nakatulong ka sa kapatid mo at sa mga magulang mo. Lagi kong sinasabi sa kapatid ko na mag-aral siya nang mabuti para proud kami sa kanya."

May naiipon naman daw si Joshua para sa sarili niyang pag-aaral. Balak niyang tapusin ang kanyang natitirang one year sa high school via a home study program. Hindi pa raw siya decided kung ano ang gusto niyang kunin sa college.

"Noong bata ako, gusto kong maging doctor. Pero nagkaroon ako ng phobia sa ospital noong mamatay ang lolo ko. Kaya imposible na akong maging doctor, di ba?" tawa niya.
Dagdag ni Joshua, "Baka lilinya na lang ako sa business management. Gusto kong magtayo ng sarili kong business na puwede ang parents ko ang mag-asikaso. Para sila na ang boss ng sarili naming negosyo." - Ruel J. Mendoza, PEP
Back to top Go down
 
PEP: Joshua Dionisio denies blind item tagging him as 'pasaway'
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Single hook tagging method
» Tagging Method bait attachment
» blind spot mirror
» AE86 Driver Wins 2011 Joshua A. Norton Rally Championship
» Self-Trained Joshua Ross on the comeback trail for London 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: