HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

 Margarito may game plan kay Pacquiao

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
SuperMeg



Posts : 248
Join date : 2010-06-28
Age : 19

PostSubject: Margarito may game plan kay Pacquiao    Sun Sep 26, 2010 10:32 am

MANILA, Philippines – Kagaya ni Manny Pac­quiao, alam na rin ni Me­xican Antonio Margarito ang kanyang gagawin sa sandaling magkaharap na sila sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Ang mga nasa gameplan ng 32-anyos na si Margarito ay ang walang humpay na pagsugod sa 31-anyos na si Pacquiao at paggamit ng kanyang height advantage.

“That’s one of the plans that we have,” sabi ni Margarito. “Pressure, throwing punches consistently, countering.”

Pag-aagawan nina Pac­quiao at Margarito ang bakanteng World Boxing Council (WBC) light middleweight crown.

Nagsimula na ang pag-eensayo ng Filipino world seven-division sapul nang dumating sa bansa si trainer Freddie Roach noong nakaraang Linggo kasama sina sparmates Michael Medina ng Mexico at Glen Tapia ng Dominican Republic.

Hangad ni Pacquiao ang kanyang pang walong world boxing title sa magkakaibang weight divisions, habang itinuturing naman ni Margarito na pinakamalaking laban ang kanilang upakan ng Congressman ng Sarangani.

Napatawan ng one-year ban si Margarito dahil sa ‘plaster-like substance’ na nadiskubre sa kanyang hand wraps sa kanyang pagkatalo kay Sugar Shane Mosley noong Enero ng 2009.

“This is the fight of my life. I’m going to come out with my arms up in the air,” sabi ni Margarito, sinasanay ni trainer Roberto Garcia.

Kasalukuyang nagsa­sa­nay sina Margarito at Garcia sa El Monte sa California, USA.

Sa Baguio City naman muling magsasanay ang Team Pacquiao, ayon kay Roach.

Nauna nang inihayag ni Roach na kayang pabagsakin ni Pacquiao si Margarito sa eight round.

“This thing is I’m not worried about this guy,” wika ng four-time Trainer of the Year awardee na si Roach sa Mexican fighter. “I’m not losing sleep over Margarito.”

Ang pagiging 5-foot-11 ni Margarito ang siyang magpapabagal sa kilos nito, dagdag ni Roach.

Sinabi naman ni Garcia na kung aabot ang laban sa round 11 ay si Margarito na ang mananalo.
Back to top Go down
 
Margarito may game plan kay Pacquiao
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Is Freddie Roach a one dimensional trainer?
» Weather Pattern, Geology, Climate Change and Game Plan
» F2 DRIVERS GAME - ROUND 45 - SKEGNESS
» F1 DRIVERS GAME - ROUND 42 - SKEGNESS
» Bintan Game - Mid December 2010 - anyone ?

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Boxing, MMA & Other Sports-
Jump to: