MANILA, Philippines - Naghain na ng panukala si Sen. Jinggoy Estrada na gawing legal na ang jueteng operations sa bansa.
Sa ilalim ng Senate Bill 2548 o “Jueteng Act of 2010”, sinab ni Sen. Estrada na pinagmumulan ng matinding korasyon sa gobyerno ang jueteng kaya mas mabuting gawing legal na lamang ito.
Ayon kay Estrada, kung gagawing legal ang jueteng ay kikita pa ang gobyerno at maaaring magamit ang pondo sa mga mahahalagang programa at proyekto.
Kung magiging batas, ang operasyon ng jueteng ay ilalagay sa ilalim ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Wika pa ni Jinggoy, ang mapapatunayang illegal jueteng operators ay makukulong ng habambuhay at multang P1 milyon hanggang P2 milyon.
PHIL STAR