HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

 Miriam kay Chavit: 'Sabunutan na lang!'

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
teph_47



Posts : 475
Join date : 2010-06-21
Age : 29
Location : Pampanga

PostSubject: Miriam kay Chavit: 'Sabunutan na lang!'    Fri Oct 01, 2010 10:41 am

MANILA, Philippines - Dahil parang babae umano si Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na hindi tumitigil sa pag­sasalita, hinamon ito kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na magsabunutan na lamang silang dalawa.

“Ano ba namang kabalbalan..kalalaking tao parang babae, dakdak ng dakdak. Gusto niya (Singson) magsabunutan na lamang kami,” sabi ni Santiago sa panayam ng DZBB.

Nauna nang hinamon ni Santiago na mag-duwelo sila ni Singson pero labag naman umano ito sa penal code.

Nagkaroon ng ‘word war’ sa pagitan nina Defensor at Singson matapos ibunyag ng senadora sa kaniyang privilege speech na operator ng jueteng sa Ilocos Norte at Ilocos Sur ang gobernador.

Wala na umanong magagawa si Santiago kung patuloy na tatanggi si Singson na makipag-debate sa kaniya pero hindi umano dapat gumawa ng istorya ang gobernador katulad nang graft and corruption at diumano’y pagpatay niya sa nag-suicide niyang anak.

Sinabi pa ni Santiago na kung hindi matanggap ni Singson ang parliamentary immunity ng mga se­nador ay dapat “sumakabilang-buhay” na umano ang gobernador at makipagdebate sa mga sumulat ng Konstitusyon na pawang mga namayapa na.

Posible umanong naiinggit si Singson dahil sa parliamentary immunity ng mga senador na hindi maa­aring kasuhan dahil sa ginagawa nilang pagbubunyag sa kanilang mga privilege speech.

“Ano bang natapos nitong chavit singson? Nakatapos ba ng college yon? Nagagalit...Ang parliamentary immunity eksaktong inilagay sa Batasang Pam­bansa para ang senador libre na magsabi ng katotohahan na hindi siya takot na kasuhan kaliwa’t kanan. Exactly that’s the purpose of parliamentary immunity...Why is he complaining?” sabi ng senadora.

phil star

_________________


Back to top Go down
 
Miriam kay Chavit: 'Sabunutan na lang!'
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Jack Lang Special Gold Detector
» For Sale: BLITZKRIEG high end quality rain gears!
» Asking Lang Po
» JACK LANGE ENERGY SHAFT
» GOM GÓP QUẦN ÁO DƯ CHO TRẺ SOS

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: