HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

  Matinding lungkot ng OFW dahilan ng 'textmate', pangangaliwa - CBCP

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
teph_47



Posts : 475
Join date : 2010-06-21
Age : 29
Location : Pampanga

PostSubject: Matinding lungkot ng OFW dahilan ng 'textmate', pangangaliwa - CBCP    Sun Oct 03, 2010 10:02 am

MANILA, Philippines - Ang matinding kalungkutan ng mga overseas Filipino workers ang pa­ngunahing dahilan kaya nagkakaroon ng ‘textmate’ na humahantong sa pa­ngangaliwa.

Naniniwala si Fr. Edwin Corros, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People, na ang sobrang kalungkutan ang nilalabanan ng mga OFW habang nasa ibang bansa.

Bagama’t karaniwan lamang ang mga textmate upang magkaroon ng kaibigan, sinabi ni Corros na ito naman ang nagiging sagabal upang hindi na mapatatag pa ng isang OFW ang kanyang relasyon sa kanyang naiwang pamilya.

Aniya, mas dapat ding may disiplina at control ang isang OFW at ituon sa kanyang pagta-trabaho ang kanyang atensiyon upang makaiwas sa anumang tukso.

Sinabi ni Corros na mas dapat na maging tuluy-tuloy ang komunikasyon ng OFWs sa kanyang pamilya upang magsilbing inspirasyon sa pagtatrabaho.

Giit ng ECMI, mariin nilang tinututulan ang pag-a-abroad dahil mas nagi­ging dahilan ito ng pagkakawatak-watak ng bawat pamilya bagama’t nais lamang na maiahon ang kanilang buhay mula sa kahirapan.


phil star

_________________


Back to top Go down
 
Matinding lungkot ng OFW dahilan ng 'textmate', pangangaliwa - CBCP
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: