HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

 Brownout sa 2011, nakaamba sa MM

Go down 
AuthorMessage
ginebraghurl

avatar

Posts : 354
Join date : 2010-07-04
Age : 26
Location : san juan

PostSubject: Brownout sa 2011, nakaamba sa MM    Tue Oct 12, 2010 9:01 am

MANILA
, Philippines - Nagbabala kahapon ang Department of Energy (DOE) na posibleng magkaroon ng malawakang brownout sa Kamaynilaan at ilang bahagi ng Luzon sa susunod na taon dahil hindi pa napupuno ang lahat ng hydro-electric dam na pinagkukunan ng suplay ng kuryente sa Luzon.

Ayon kay Energy Secretary Jose Rene Almedras, na dumalo sa budget hearing ng Senado kahapon, kakapusin ng mahigit 300 megawatt hanggang 500 megawatt ang imbak na kuryente sa 2011.

Umaasa umano ang DOE na kahit “ber” months na ay magkaroon pa rin ng ulan upang mapuno ang mga hydro-electric dam sa Luzon.

Sinabi pa ni Almendras na magkakaroon ng ma­laking problema sa suplay ng kuryente kapag may plantang bumagsak dahil lalong magkakaroon ng shortage.

Ayon naman kay Sen. Ralph Recto, base sa estimate ng mga independent power producers (IPPs) mas malaki pa sa 300MW ang magiging kakapusan ng suplay ng kuryente sa susunod na taon.

Aminado naman si Almedras kung hindi magdadala ng ulan ang sinasabing La Niña, mas malaki pa sa 300 MW ang magiging kakulangan sa kuryente.
Back to top Go down
 
Brownout sa 2011, nakaamba sa MM
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Genetrix 2011
» Sunday 2 January 2011
» Winter 2010/2011 weather prediction
» 2011 Brampton Centennial Winter Classic RESULTS
» Suriamas room for rent in January/February 2011

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: