HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

 Heart at Daniel, nag-away sa shopping

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
teph_47



Posts : 475
Join date : 2010-06-21
Age : 29
Location : Pampanga

PostSubject: Heart at Daniel, nag-away sa shopping    Sat Oct 16, 2010 9:53 am



DUMATING na ang mag­kasintahang Daniel Matsunaga at Heart Evangelista kahapon nang hapon mula Kansai, Japan.
“It was fun!” sagot agad sa amin ni Heart nang kinumusta namin ang ilang araw nilang bakasyon.
Agree silang dala­wa sa sinabi naming lalo nilang nakilala ang isa’t isa kapag nabibigyan sila ng pagkakataong makapagbakasyon na silang dalawa lang.
Marami raw sila na nagbakasyon doon, dahil kasama rin ni Danie­l ang kapatid niyang si Vanessa.
Pero silang dalawa lang ang madalas na magkasama kaya lalo silang nakapag-bonding.
“Mas organized siya, although organized din ako, pero medyo may pagka-clumsy lang ako.
“He sleeps a lot. Masaya naman and this is our first time na nakapagbakasyon na kami lang,” masayang kuwento sa amin ni Heart.
Sey naman ni Daniel, “She loves to shop. I tried to control her.”
“Minsan nga, nainis na ako kasi, when I get one accessory, pagpasok ko ng five, tatanggalin naman niya ng isa. Kaya konti lang napamili. Pinag-awayan nga namin minsan, pero I understand naman ang concern niya,” sagot ni Heart.
Napapag-usapan ba nila ang kanilang past relastionships, at kung aware ba si Daniel kung kanino na-link noon si Heart?
“No! We don’t talk about the past. That’s past, tapos na ‘yun,” mabilis na sagot ni Daniel.
Si Heart ang first Fili­pina girlfriend niya at ibang-iba raw ito sa mga nakaraan niyang karelasyon.
Ganundin si Heart, dahil first time lang daw niyang nakapag-boyfriend ng hindi Pinoy, kaya may mga adjustment.
Mukhang seryoso na si Daniel na gusto na raw niyang maging Pinoy, lalo na’t napaibig siya sa isang Pinay.
Sa Lunes ay magkakaroon ng story conference si Heart para sa Dwarfina at babalik na siya sa trabaho.
Nire-request pa niya noon na sana’y kasama si Daniel pero naintindihan niya kung bakit hindi muna dahil si Dennis Trillo ang ka-partner niya rito.
Ang pagkakaalam niya, merong isang project na maaaring pagsamahan nila ni Daniel.
***
Okay lang kay JayR na tawagin siyang stage-boyfriend kung ang ibig sabihin nito ay sobra ang pagmamahal niya at lagi siyang nakabantay at concerned sa kanyang girlfriend.
Na-appreciate ni Krista Kleiner ang sobrang pag-aalaga sa kanya ni JayR na lahat na ginagawa niya ay nandiyan si JayR para sumuporta at tinitiyak na okay ito.
Pati ang paghahanda sa pagsali ni Krista sa Miss World ay nandiyan si JayR para tulu­ngan ito.
Ngayo­n lang daw kasi ang Miss World na merong talent portion kaya katulong si JayR sa paghahanda sa ipi-present ni Krista na talent.
Si Krista ang nagwaging Miss Talent sa Bb. Pilipinas kaya parang ganu’n na rin daw ang ipi-present na talent pero pinaganda pa nila.
Merong ginawang kanta si Jay R na may kaugnayan sa mga beauty queen na kakantahin at sasayawin ni Krista.
“It’s a dance-song but it’s talking about the girl na nagpapaganda, the process, the lipstick, the walking and then talking about just being a beauty queen and it’s gonna be a fun danceable song,” kuwento ni Krista.
Katulong si Jay R sa pag-aayos ng kanta at ni-record nila ito sa recording studio ng Prince of R&B.
Malaki ang pasasalamat ni Krista dahil nandiyan ang kasintahan na all-out ang suporta para hindi siya ito mapahiya sa pagsali niya sa Miss World.
Sasamahan ni JayR si Krista sa Sanya, China kung saan gaganapin ang Miss World sa November 27.


ABANTE

_________________


Back to top Go down
 
Heart at Daniel, nag-away sa shopping
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Daniel Mullings
» Heart Lake Classic Junior Boys Basketball Tournament
» Sapporo - Any places for golf shopping?
» Golf Punk Lucky Draw - 3 Daniel Hectar Watches to be won
» Daniel Bryan Interview

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: