HomePortalGalleryRegisterLog in

Share | 
 

 Rufa Mae, paiba-iba ang sakit

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
teph_47



Posts : 475
Join date : 2010-06-21
Age : 29
Location : Pampanga

PostSubject: Rufa Mae, paiba-iba ang sakit    Sat Oct 16, 2010 9:55 am



INAMIN na ni Carla Abellana ang namumuong relasyon nila ni Geoff Eigenmann, ang katambal ni Glaiza de Castro sa telefantasyang Grazilda.
Hindi man tuwirang sinabi ni Carla ang relas­yon kay Geoff ay inamin niya sa mga kausap niya na doon na pupunta ‘yun sa closeness nilang dalawa.
Walang selos factor siyang nararamdaman sa katambal ni Geoff sa Grazilda.
Sa katunayan ay naaliw siya sa telefantas­yang ito at madalas niyang panooorin ngayong wala siyang TV project.
Ang role niya sa upcoming Shake, Rattle & Roll 12 ang pinagkakaabalahan niya ngayon.
Nagpapasalamat si Carla kya Mother Lily sa pagpili sa kanya na gumanap sa isang mahala­gang role sa isa sa mga episode ng Shake, Rattle & Roll 12.
Bukod sa shooting ng nabanggit na pelikula ay pinagkakaabalahan din ni Carla ang bagong townhouse na nabili na malapit sa home studio niyang GMA 7.
Dream come true ang bagong townhouse niya for her mother. Doon na siya nakatira kasama ang ina at mga kapatid.
May mga nabili na siyang mga gamit at ang mommy niya ang namamahala sa interior ng bahay.
Ang kuwarto lang niya ang pinakikialaman ni Carla. Hindi man kumpleto pero unti unti nang nabibili niya ang mga gamit na kailangan sa bahay.
Masuwerte si Carla at nakabili agad ng bahay sa ilang panahon pa lang niya sa showbiz. Nakaipon agad siya ng pambili ng bahay.
Nalungkot daw ang lola niyang si Delia Razon sa paglisan nila sa bahay nito. Madalas daw nilang dalawin ito.
Hindi pa nakakabisita ang lola niya sa biniling townhouse. Siguro, kapag kumpleto na ang laman ng bahay, saka niya ito dadalhin.
***
Nagkaroon ng isang misa ng pasasalamat ang production team ng Trudis Liit noong Miyerkules ng gabi sa GMA Executive Lounge.
Present ang mga artista at staff ng teleserye na nagtamo ng 8.3% ra­tings noong araw na iyon.
Tuwang-tuwa ang mga artista at staff ng Trudis Liit. Siyempre, si Jillian Ward aka Trudis ang kinaaliwan ng lahat sa kakulitan nito at kung anu-ano ang pinaggagagawa sa harap ng mga photographers.
Naging photographers’ delight siya nu’ng gabing iyon.
***
Na-pack up ang ta­ping ng Kaya ng Po­wers kamakailan dahil isinugod sa ospital ang isa sa main character ng comedy show na si Rufa Mae Quinto.
Sumakit kasi ang tiyan niya nang bonggang-bongga.
Noong una ay baka appendicitis daw. May nagsasabi naman na ameobiasis.
Sa facebook shout ni Rufa Mae, ang nakalagay na sakit niya ay PARTIAL INTESTINAL
OBSTRUCTION PROBABLY DUE TO POST-OP ADHESIONS na hindi ko maintindihan.
‘Yun na!!!
Sa ngayon ay maa­yos na si Ruffa Mae at nagpapahinga.
Syanga pala, isang batang dragon ang to­pic ng Kaya ng Po­wers ngayong Sabado sa GMA 7.



TONITE

_________________


Back to top Go down
devilmaycry18
Admin
Admin


Posts : 815
Join date : 2010-06-11
Age : 40
Location : rizal

PostSubject: Re: Rufa Mae, paiba-iba ang sakit    Sat Oct 16, 2010 10:41 am

Luv and first problem na yan kay Ruffa Mae
Back to top Go down
http://basketbolpilipinas.forummption.com/
 
Rufa Mae, paiba-iba ang sakit
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: