Basketbol ng Pilipinas
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalGalleryLatest imagesRegisterLog in

 

 Juan' nakapasok na

Go down 
AuthorMessage
benchok24
Admin
Admin
benchok24


Posts : 1071
Join date : 2010-06-10
Age : 40
Location : makati

Juan' nakapasok na  Empty
PostSubject: Juan' nakapasok na    Juan' nakapasok na  I_icon_minitimeSun Oct 17, 2010 11:06 am

Juan' nakapasok na  34te9u10
MANILA, Philippines - Nakapasok na sa bansa ang bagyong Juan at patuloy na lumalakas habang tinutumbok ang hilagang Luzon.

Ayon kay Nathaniel Servando, deputy administrator ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magiging isang super typhoon si “Juan” kapag ito ay nag-landfall na sa Cagayan bukas.

Si Juan ang tinataya ng ahensiya na pinaka malakas na weather disturbance sa ngayon. May dala itong ulan na kasing-dami ng “Ondoy” at ha­nging mas malakas pa kay “Basyang”.

“Siya ang pinakama­lakas so far, pero for this year ang projection namin may mga malalakas na bagyo pa na darating,” sabi ni Servando.

Sa latest monitoring ng PAGASA, si Juan ay nakapasok sa Philippine area of responsibility bandang ala-una ng madaling-araw kahapon at patuloy na luma­lapit sa Cagayan Valley region.

Namataan ito may 880 kilometro silangan ng northern Luzon at inaasahang tatama sa kalupaan bukas o Lunes ng hapon sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan.

Ito ay kumikilos sa bilis na 24 kilometro bawat oras papunta sa direksiyon ng kanluran hilagang kanluran taglay ang pinaka malakas na hanging 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 170 kilometro bawat oras.

“So by Monday, we are looking at 200 plus kph. Ito talaga ang nakababahala dahil kapag lumampas sa 200 kph ang hangin, isa na itong super typhoon,” pahayag pa nito.

Normal anyang mala­lakas ang bagyo sa huling tatlong buwan ng bawat taon pero mas malakas ngayon dahil ito ay natapat sa panahon ng La Niña phenomenon.

Anya, ang bansa ay dinadalaw ng 22 hanggang 23 bagyo kada taon at si Juan ang ika-10 bagyo.

Nilinaw naman ng PAGASA na ang naranasang malakas na pag-ulan kahapon sa Metro Manila ay hindi dahil kay Juan.

phil star
Back to top Go down
 
Juan' nakapasok na
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» PAG-ASA Weather Update (Typhoon Juan) Storm signal raised as 'Juan' nears Cagayan
» 'Juan' pummels Luzon
» Noy wants zero casualties: RP on alert for 'Juan'
» Supertyphoon 'Juan' nears northern RP
» US military help offered on typhoon ‘Juan’

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: