Basketbol ng Pilipinas
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalGalleryLatest imagesRegisterLog in

 

 Aga nagulat sa asalto

Go down 
AuthorMessage
SuperMeg

SuperMeg


Posts : 248
Join date : 2010-06-28
Age : 26

Aga nagulat sa asalto   Empty
PostSubject: Aga nagulat sa asalto    Aga nagulat sa asalto   I_icon_minitimeSat Aug 14, 2010 2:25 pm



MANILA, Philippines - Uy, ang bilis talaga ng panahon. Hamakin mo, isang taon na pala ang nakalipas nang i-celebrate ni Aga Muhlach ang kanyang 40th birthday sa CamSur?

Dinala ang ilan niyang malalapit na kaibigan (in fairness, kasama kami dun) sa Bicol para i-en­joy ang isa sa mga kinababaliwan niyang sports, ang wake boarding. True enough, nag-enjoy kami sa nasabing water sport.

Three days ago, binigyan ng asalto ang may hawak sa koronang King of Romance/Drama sa mismong set ng programa nilang romantic-comedy-drama series ng ABS-CBN tuwing Sabado, ang Malay Mo Ma-develop (M3).

Yup, 41 years old na si Aga.

Kabilang sa mga special guests sa nasabing asal­to sina ABS-CBN Entertainment Production head Linggit Tan at ang magandang misis ni Aga na si Charlene Gonzales na siyempre ngayon ay kilalang host na ng The Buzz.

Lagpas hatinggabi na raw sa gitna ng taping ng M3 sa King’s Court, Makati nang gawin ang nasabing birthday asalto kung saan napaniwala si Aga na mag-i-extend sila dahil may dadag pang eksenang kukunan. Walang kaalam-alam ang aktor na may sasalubong pala sa kanyang birthday.

Pagkapasok ni Aga na akala niya ay set pa nila, ginulat siya ng M3 staff and crew sa isang sim­pleng handaan para sa kanyang 41st birthday.

Puno ang nasabing kuwarto ng makukulay na party designs, balloons, at maraming food mula sa mga kaibigan niya.

At hindi na naitago ni Aga ang saya sa unexpected birthday celebration niya. Unexpected din ang pagdating ni Charlene sa set ng M3. Dumating kasama ni Charlene ang staff ng The Buzz na nag-cover naman ng mga naganap sa birthday asalto.

May exclusive one-on-one interview din si Charlene sa dyowa na mapapanood ngayong Ling­go sa segment niya sa The Buzz.

Anyway, tulad ng birthday celebration ni Aga, may sorpresa rin para sa mga karakter nina Aga at Comedy Queen AiAi delas Alas sa hit weekend series nilang M3.

Mapapanood ang M3 pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

* * *

Walang nagawa ang pakiusap ng GMA 7 na ilihim muna ang pangalan ng mga kasali sa Survivor Philippines Celebrity Showdown na malapit nang umere.

Sa Internet, nagkalat na ang mga pangalan ng mga kasali.

Kaya ngayon, open na ang GMA 7. Sila na ang nagbibigay ng mga detalye tungkol sa Survivor – mga kuwentong survivor na mula sa isla.

Heto ang ilan sa kuwento nila, ng ilang mga pumunta.

Ayon sa mga insiders, may eating challenge na sobrang kadiri lahat ng mga castaways – as in lahat nasuka!

Dagdag naman na pahirap sa celebrity cast­aways ang mga lamok, niknik, at iba pang mga in­­sekto na nasa isla. Pero usap-usapan na napakarami ring ahas na nagkalat doon. Nagka­roon pa ng ahas sa isang tribu. Ang tanong, literal na makamandag na ahas kaya ito o isang mang-aahas na castaway?

Season din ito ng mga rebelasyon. At siguradong ikagugulat ng mga manonood ang ilan sa mga malalaman nilang sikreto tungkol sa ilang celebrity castaways. Una na rito ang pag-amin ng isang female castaway na isa siyang social climber. May dalawa ring super hot female castaways na aamin na “salamat doctor” ang mayayaman nilang dibdib!

Kanya-kanya ring rason ang mga castaways kung bakit nila gustong maging ultimate survivor. At ang isang male castaway, talagang napa­ha­gulgol habang pinapaliwanag kung bakit ganun na lang ang kagustuhan niyang manalo bilang Celebrity Sole Survivor. Bakit nga kaya?

Ang init din daw ng mga eksena sa Survivor Philippines Celebrity Showdown na minsa’y nagi­ging literal na rin. Dahil sa sobrang init, marami-raming castaways ang halos himatayin sa mga challenges.

May isa namang machong castaway – brusko at barumbado ang dating niya kaya tiklop pati mga kapwa lalaking castaways – na napaiyak dahil sa pag-aalala sa kanyang girlfriend.

So, hintayin na lang natin ang mga eksenang ito oras na magsimula na ito.

Basta kasali sina Aubrey Miles, Elma Muros, John Hall, Michelle Madrigal, at marami pang iba.

Si Richard Gutierrez siyempre ang host ng Survivor Philippines.
Back to top Go down
 
Aga nagulat sa asalto
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: