Basketbol ng Pilipinas
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalGalleryLatest imagesRegisterLog in

 

  CRISTINE, NAIRITA KAY ZANJOE

Go down 
AuthorMessage
benchok24
Admin
Admin
benchok24


Posts : 1071
Join date : 2010-06-10
Age : 41
Location : makati

 	   CRISTINE, NAIRITA KAY ZANJOE Empty
PostSubject: CRISTINE, NAIRITA KAY ZANJOE    	   CRISTINE, NAIRITA KAY ZANJOE I_icon_minitimeTue Aug 24, 2010 12:03 pm



 	   CRISTINE, NAIRITA KAY ZANJOE Cristi11MUKHANG may namumuong away kina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo dahil sa nangyari sa ta­ping ng teleserye nilang Martha Cecilia’s Kristine.
May isang eksena silang kinunan na aksidenteng nadulas si Cristine at sinalo ito ni Zanjoe. Sa dibdib ni Cristine napahawak si Zanjoe nang sinalo niya ito.
Wala na sanang isyu kay Cristine iyun dahil sinalo lang siya ni Zanjoe. Ang ikinairita ni Cristine, nabasa niya ito sa Twittter account ni Zanjoe na pinag-uusapan na nila ito ng isang direktor.
Parang nagkantiyawan pa raw sila nitong direktor dahil sa aksidenteng pagkasapo ni Zanjoe sa dibdib ni Cristine nang sinalo niya ito.
Bago pa lang yata nagbukas ng Twitter account si Zanjoe kaya maaring hindi siya aware na nababasa rin ito ni Cristine.
Nairita ang aktres na nag-post sa Twitter ng, “WOW LANG SA TWEET AH! Hello! Nasa Twitter ako, try n’yo na mag-text na lang. Try lang.”
Nag-sorry raw si Zan­joe kay Cristine. Ang ikinairita pa ni Cristine, hindi binura ni Zanjoe sa Twitter ang pinag-usapan nila nu’ng direktor na iyun.
“Can’t believe hindi pa rin niya dini-delete ang tweets na ‘yun. Di ko makita ‘yung sincerity sa sorry niya kung di niya intensyon maka-offend,” kasunod na tweet ni Cristine.
Patuloy pa rin na nag-tweet si Cristine ng “I don’t wanna ruin my night. Ganun talaga kapag ungentleman. Tsk tsk tsk!
“Anyone can be heroic from time to time but a gentleman is something you have to be all the time.”
Wala akong Twitter account kaya hindi ko alam kung nandiyan pa rin ang account ni Zanjoe.
Ang latest na narinig namin, dinelete na raw ni Zanjoe ang buong Twitter account niya.
***
Si Geoff Eigenmann ang escort ni Carla Abellana sa premiere night ng Mamarazzi kamakalawa sa SM Megamall.
Wala pa rin daw pagbabago sa kanilang relasyon kundi nasa ganu’ng level pa rin daw sila na kung saan patuloy pa rin ang panliligaw ni Geoff.
Binanggit ni Carla sa Showbiz Central nang mag-guest siya nu’ng Linggo na may hinihintay na lang daw siya na proposal ni Geoff sa kanya.
Kinulit namin kay Carla kung anong proposal ba ang sinasabi niya.
Hinihintay na lang daw niya na sabihin uli ni Geoff sa kanya ang linyang, “Will you be my girlfriend?”
Hindi naman daw niya masasabi kung sasagutin na ba niya ito dahil abala pa rin sila sa trabaho nila.
Maganda raw itong pinaghiwalay muna sila pagkatapos ng Basahang Ginto para malaman nila sa kanilang sarili kung sila pa rin at kung ma-develop ang magandang relasyon nila.
“Sabi ko nga, this might be a good thing for us na maghiwalay muna kami sa trabaho. We’ll see kung hanggang saan kami aabutin, di ba?
“If it really means something and if we’re meant to be together, at least matutuloy ‘yun at mare-realize namin na hindi dahil sa trabaho, sana outside work, patuloy pa rin siya,” pahayag ni Carla.
“Hindi naman ako nagmamadali. But I’m willing to wait,” sey naman ni Geoff.
Wala raw ibang ine-entertain na manliligaw si Carla dahil exclusively dating sila ni Geoff.
***
Sa premiere night pa rin ng Mamarazzi, kinunan namin ng reaksyon si JC Tiuseco sa napa­balitang pagkamabutihan nina Maxene Magalona at Dominic Roco.
Tipid na tipid ang sagot ni JC na, “Sana happy sila at enjoy lang!”
Lahat na mga tanong namin tungkol kay Ma­xene ay ngiti lang ang sagot nim JC. Mabuting tahimik na lang daw siya para hindi na humaba pa ang isyu nila.
Hindi rin siya nagkomento sa nakarating sa aming nagdedmahan sila ni Dominic nang magkita sila minsan sa lobby ng condo na tinitirhan ni Maxene.
Ang kuwentong nakarating sa amin, hinatid daw si Maxene nina Dominic at ng iba nilang kaibigan sa condo unit nito. Pagkaakyat lang daw ni Maxene, siya namang dating ni JC kasama si Gino de la Peña na co-host nito sa X Life.
Maaring may ibang sadya roon si JC at hindi si Maxene. Nagkasalubong daw sina JC at Dominic pero nagdedmahan daw ang dalawa.
Hindi na nagkomento si Maxene sa interview namin kay JC. Saka na lang daw siya magbibigay ng mensahe para kay JC sakaling mabalitaan niyang may ibang girlfriend na ang aktor.
Ang latest na nabalitaan namin ay nakipagbalikan si JC sa dating non-showbiz girlfriend niya pero itinatanggi ito ng aktor.
Back to top Go down
 
CRISTINE, NAIRITA KAY ZANJOE
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Cristine, Zanjoe iron things out after boob 'incident

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: