Basketbol ng Pilipinas
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalGalleryLatest imagesRegisterLog in

 

 PNoy: May mga nagkulang, may mga magbabayad

Go down 
AuthorMessage
benchok24
Admin
Admin
benchok24


Posts : 1071
Join date : 2010-06-10
Age : 41
Location : makati

PNoy: May mga nagkulang, may mga magbabayad Empty
PostSubject: PNoy: May mga nagkulang, may mga magbabayad   PNoy: May mga nagkulang, may mga magbabayad I_icon_minitimeFri Aug 27, 2010 10:17 am

PNoy: May mga nagkulang, may mga magbabayad 2djuvr10Tiniyak ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na mayroong mananagot sa madugong hostage crisis noong Lunes.


Ang garantiya ay isina­tinig ni Aquino sa kanyang speech sa isinagawang groundbreaking ceremony sa Rizal Technological University Education and Law Center sa Mandaluyong City kahapon.


Malalaman umano kung sino ang mga panana­gutin sa oras na matapos ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang isinasagawang imbestigasyon sa mga pangyayari na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals.


Aminado ang Pangulo na may mga pagkukulang sa paghawak ng naturang insidente, partikular ang kakulangan sa kaalaman at kakayahan ng kapulisan. Sinabi rin ng Chief Executive na tanggap niya ang mga batikos dahil ganoon umano talaga ang buhay.


“Hindi na dapat maulit ang nangyari doon, lalo na ‘yung kaalaman at kakayahan ay dapat nandoon na noong araw na ‘yun. May mga nagkulang, may mga magbabayad po,” pahayag ng Pangulo.


Gayunpaman, nagpahayag ng positibong pananaw ang Pangulo sa negatibong pangyayaring ito na inaming magpapa­tamlay sa industriya ng turismo sa bansa.


Nangako rin ang Punong Ehekutibo na sa susunod na dalawang linggo ay makakakita na ang bayan ng pagbabago sa kapasidad ng militar at pulisya ngunit kung paano ay hindi na nito pinalawig ang tinuran.


“It will impact negatively well..I believe that both the AFP and PNP will be demonstrating their real capabilities within about two weeks time, to include even maritime rescue operations. . I believe given enough time we would be able to recover,” puno ng pag-asang sambit ng Pangulo.


source:abante

Back to top Go down
 
PNoy: May mga nagkulang, may mga magbabayad
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» La Salle blast, tututukan ko - PNoy
» Usapang PNoy-Obama, ‘wag itago!
» PNoy to adopt 'most' of IIRC recommendations
» Moving on: PNoy and Shalani update their status
» 88 percent of Pinoys trust PNoy - SWS survey

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: