MANILA, Philippines - Pansamantalang pinagpapahinga ng doktor si Justice Secretary Leila de Lima matapos itong dapuan ng sakit.
Ayon kay Justice Assistant Secretary Geronimo Sy, nagpakunsulta ang Kalihim noong Biyernes sa kanyang doktor sa UST hospital at pinayuhan muna itong magpahinga.
Ito ay dahil sa mayroong sakit na acquired community pneumonia si de Lima dahil sa posibleng stress na rin sa kanyang trabaho at dala na rin ng panahon.
Itinalaga naman ni de Lima si Justice Undersecretary Jose Vicente Salazar bilang officer in charge ng DOJ.
Nilinaw naman ni Sy na tuloy pa rin ang opisyal na trabaho sa tanggapan ng Kalihim kahit na ito ay nasa pagamutan sa loob ng isang linggo.