MANILA, Philippines - Itinuro ni Manila Police District director Chief Supt. Rodolfo Magtibay na si Manila Mayor Alfredo Lim ang nag-utos na arestuhin ang kapatid na pulis ng hostage-taker sa ginanap na pagdinig ng Senado kahapon.
Sinabi ni Chief Supt. Magtibay sa isinagawang pagdinig ng senate committee on public order and illegal drugs, si Mayor Lim ang mismong nag-utos sa kanya na arestuhin si SPO2 Gregorio Mendoza, kapatid ng hostage-taker na si Sr. Insp. Rolando Mendoza.
Ayon kay Magtibay, si Mayor Lim ang chairman ng local crisis management committee na siyang naka tutok sa nangyaring hostage drama noong Lunes sa Quirino Grandstand.
Tinanong ni Sen. Jinggoy Estrada si Magtibay kung sino ang nag-utos na arestuhin si SPO2 Mendoza dahil ito ang nagpa-init kay Sr. Insp. Mendoza na naka-monitor pala sa telebisyon sa loob ng bus hanggang sa aminin ng MPD chief na si Lim ang nag-utos mismo sa kanya.
Inamin din ni Magtibay sa nasabing hearing na kulang sila sa kagamitan at desisyon niyang ang SWAT team ng MPD ang manguna sa operasyon kaysa sa Special Action Force (SAF) na may sapat na kaalaman sa paghawak ng hostage crisis.
Winika pa ng dating MPD chief, may tiwala siya sa kakayahan ng kanyang SWAT team matapos siguruhin sa kanya na kaya nilang resolbahin ang nasabing hostage crisis.
Sinabi naman ni DILG Sec. Jesse Robredo sa pagdinig ng Senado na ipinaubaya niya kay Mayor Lim ang paghawak sa hostage crisis dahil sa bukod sa pagiging dating pulis at NBI director ay naging DILG chief din ito at Senador na may sapat na kaalaman na hawakan ang naturang sitwasyon.
Kinumpirma din ni SPO2 Mendoza sa isang radio interview na si Lim ang nag-utos sa pulisya na siya ay arestuhin sa kasagsagan ng hostage crisis noong Lunes.
Itinanggi naman ni Mayor Lim na siya ang nagpaaresto kay SPO2 Mendoza matapos siyang ituro ni Magtibay.
Wika pa ni Mayor Lim, baka na-rattle lamang si Magtibay kaya biglang siya ang itinuturo nito.
Aniya, nagtungo siya sa Quirino Grandstand bandang 5:00 p.m. ng hanggang 6 p.m. para sabihan si Magtibay na siguruhin ang kaligtasan ng mga hostages at hostage-taker.
Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Benigno Aquino III na may mananagot sa naganap na madugong hostage drama kung saan ay 8 mula sa 21 Hong Kong tourists ang nasawi noong Lunes.
Sinabi ni Pangulong Aquino sa pangunguna nito sa ground breaking ceremony ng Isaac Lopez Integrated School at Rizal Rechonological University Education and Law Center sa Mandaluyong City, siguradong may mananagot sa oras na matapos ang imbestigasyon hinggil sa nangyaring hostage crisis noong Lunes.
Inatasan ni Aquino ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) upang manguna sa imbestigasyon kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) upang matukoy ang tunay na nangyari sa hostage crisis.
Inamin din ni P-Noy ang naging pagkukulang sa kaalaman at kakayahan ng law enforcers at nangakong itutuwid niya ang mga pagkukulang na ito sa ilalim ng kanyang pamahalaan.
Wika pa ni Pangulong Aquino, tanggap niya ang mga pagbatikos sa kanyang administrasyon gayundin sa pulisya dahil sa nangyaring hostage crisis kung saan ay 8 HK nationals ang nasawi matapos ang mahigit 10-oras na hostage taking sa Quirino Grandstand noong
source:gma