Basketbol ng Pilipinas
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalGalleryLatest imagesRegisterLog in

 

  Whitewash ikinatakot ng Hong Kong

Go down 
AuthorMessage
benchok24
Admin
Admin
benchok24


Posts : 1071
Join date : 2010-06-10
Age : 41
Location : makati

  Whitewash ikinatakot ng Hong Kong  Empty
PostSubject: Whitewash ikinatakot ng Hong Kong      Whitewash ikinatakot ng Hong Kong  I_icon_minitimeFri Aug 27, 2010 10:28 am

nagpahiwatig kahapon ng pangamba ang mga opisyales Hong Kong na magkaroon ng whitewash sa imbestigasyon ng pulisya sa madugong hostage crisis sa Rizal Park noong Lunes, kung kaya’t posibleng magsagawa rin ng sariling “official inquiry” hinggil sa insidente.
Ayon kay Hong Kong security chief Ambrose Lee, ipinag-utos na ang post-mortem examination sa mga bangkay ng walong nasawi sa hostage crisis sa gitna ng mga kuwestyon kung namatay ang mga Hong Kong tourist mula sa mga bala na ipinutok ng hostage-taker o habang nagsasagawa ng “bungled rescue operation” ang mga pulis.
“The coroner ordered that an autopsy be done -- we’ll have our own autopsies,” pahayag ng Hong Kong secretary for security sa kanilang mga mambabatas sa ipinatawag na special meeting nito.
Ang magiging resulta umano ng autopsy ng kanilang coroner ang gaga­wing ba­tayan kung dapat magkaroon ng “death inquiry”.
“We will urge the Philip­pine authorities to conduct a thorough, just and transparent investigation and we want the report to be ready as soon as possible,” ayon pa kay Lee.
Samantala, iginiit kahapon ni Sen. Juan Miguel Zubiri na pahintulutan ang partisipasyon ng Hong Kong police sa imbestigasyon ng hostage crisis.
Ayon kay Zubiri, hindi lang ang mamamayan ng Hong Kong ang dismayado sa kinalabasan ng operasyon ng pulisya laban sa hostage-taker na si dating Sr. Inspector Rolando Mendoza, kundi pati na ang buong mundo na sumubaybay sa hostage crisis na nagresulta ng kamatayan ng walong Hong Kong national.
Aniya, kung mababahiran pa ng whitewash ang imbestigasyon ng pulisya ay lalong mababaon ang ating bansa sa kahihiyan at batikos ng international community.
“Come up with an ho­nest-to-goodness investigation and involve the Hong Kong police, dahil nagpadala sila ng request para hindi tayo maakusahan na nag-whitewash,” giit ni Zubiri kina Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo at Philippine National Police (PNP) Director General Jesus Verzosa.
PNP bukas sa foreign experts
Ibinukas ng PNP sa mga eksperto ng ibang bansa para sa isang si­yentipikong pagbusisi ang bus na sinakyan ng mga turista kung saan sa loob nito naganap ang madugong hostage crisis.
“Ibinubukas natin ito para sa siyentipikong imbestigasyon kahit na mula sa mga kaibigan natin na pulis sa ASEAN region kung gusto nilang lumahok at tumulong,” ani Sr. Supt. Agrimero Cruz Jr., tagapagsalita ng PNP.
Aniya, ilalagay ang bus sa loob ng isang air-condition na lugar sa Camp Bicutan, ang kampo ng National Capital Regional Police Officer (NCRPO), para dito gawin ang pagbusisi sa bus.
Ayon kay Cruz, sinisiguro ng PNP na gagawin ang imbestigasyon “professionally” kahit na magtagal ito. Inaasahang tututukan ng PNP sa imbestigasyon ang mga bullet trajectories upang makasiguro kung ang lahat ng bala na tumama sa mga biktima ay mula sa M-16 rifle at .45 caliber pistol ng napaslang na hostage-taker.
Subalit, muling sinabi ni Cruz na kumbinsido sila na ang lahat ng mga tinamaan ng bala na biktima ay mula sa ipinutok ni Mendoza sa gitna ng agam-agam na ilan sa mga tumama sa mga biktima ay bala mula sa mga pulis.
Simbahan umapela
Kumilos na rin ang Simbahang Katoliko para makaahon ang Pilipinas sa tila ‘black eye’ na inabot ng bansa matapos ang madugong hostage crisis.
Ayon kay Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales, hindi lahat ng Pinoy ay kagaya ng napatay na hostage-taker na kayang gumawa ng nakakakilabot na krimen.
“It’s really a black eye. That’s the worst thing that happened to us. It’s a pity for a country like the Philip­pines when one does something wrong, it ruins the country’s image. That’s the sad reality when one creates trouble and gets publicized or reported to the whole world. That’s not good,” ani Rosales.
Umapela rin si Rosales sa Hong Kong at Chinese government na huwag kamuhian ang mga Filipino dahil lamang sa pagkakamali ng iisang tao.
Hindi rin umano dapat pagbuntunan ng sisi ang mga overseas Filipino sa abroad dahil sa malagim na pangyayari.
Hinamon din nito ang mga OFW sa HK na patunayan sa kani-kanilang mga amo na hindi ugali ng Pinoy ang ginawang pag-aalburoto ni Mendoza.
“Let us uplift the image of our country by proving to them that not all (Filipinos) are like Rolando Mendoza.”
Nagpaabot na rin ng ganitong mensahe si Catho­lic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president Tandag Bishop Nereo Odchimar. (With Boyet Jadulco/JB Salarzon/Jun Tadios)

source:abante
Back to top Go down
 
Whitewash ikinatakot ng Hong Kong
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
»  Hong Kong sad, furious
» Protests in Hong Kong over Manila bloodbath
»  Cancelled bookings from Hong Kong increase
» Hong Kong chief says Aquino has apologized
» 3 hostage victims laid to rest in Hong Kong

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: