MANILA, Philippines
- Muling naramdaman ang pagyanig sa palibot ng Taal volcano sa Batangas matapos na magtala ito ng 20 volcanic quakes sa loob ng 24-oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagyanig ay indikasyon ng panibagong volcanic activity matapos ang aktibong abnormalidad nitong mga nakaraang buwan.
Pero nanatili naman ang temperatura ng lawa kahit na pumalo sa 34 degrees celsius ang crater nito sa mga nagdaang araw.
Nilinaw ng Phivolcs na mananatili lamang ang babala sa alert level one kahit dumarami ang mahihinang pagyanig.
Pumapalo pa rin kasi anila sa 34 degrees Celsius ang temperatura sa crater, kung saan walang gaanong magma formation na natukoy.
Pinaalalahanan naman ng ahensya ang mga residente at mga turista na huwag pumasok sa 6-kilometer danger zone dahil sa Alert Level 1 na ibinabala sa paligid ng bulkan.
source:phil star