MANILA, Philippines - Hiningian umano ng isang opisyal ng Ombudsman ng halagang P150,000 ang hostage-taker na si dating Sr. Insp. Rolando Mendoza para sa kaso nito.
Ayon kay Major Romeo Salvador, assistant hostage negotiator sa pagsalang niya kahapon sa clarificatory hearing ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) kahapon, narinig umano niya ang pakikipag-usap sa telepono ni Mendoza kay Deputy Ombudsman Emilio Gonzales na masamang salita na umano’y humihingi si Gonzales ng halagang P150 thousand para sa kaso nito at kung may mamatay ay kasalanan umano ni Gonzales.
“Humihingi ka pa ng 150 thousand pesos para sa kaso ko, P--- I-- ka, kung may mamamatay dito kasalanan mo ito,” ito umano ang katagang sinabi ni Mendoza kay Gonzales.
Sinabi ni Salvador na nakausap ni Mendoza si Gonzales sa cellphone habang nasa Ombudsman si Vice Mayor Isko Moreno.
Tumawag umano si Moreno sa chief negotiator na si Sr. Supt. Orlando Yebra para makausap ang hostage-taker. Pero tumanggi ang hostage-taker na kausapin si Yebra at si Salvador lamang umano ang nais na kausap ni Mendoza.
Iniutos din umano ni Mendoza kay Salvador na dalhin ang kanyang case folder kay Justice Secretary Leila de Lima subalit ayon sa kalihim ay wala siyang natatanggap na dokumento ng kaso ni Mendoza.
Sa pananaw ni Salvador na magiging maganda ang resulta ng negosasyon dahil sinabi sa kanya ni Mendoza na makabalik lamang siya sa serbisyo ay kahit na kasuhan siya dahil sa ginawa nitong pangho-hostage.
Reinstatement order lang umano ang kahilingan ng hostage-taker at kapag nakuha na niya ito ay saka lamang siya bababa ng tourist bust
source phil star