MANILA, Philippines - Pabor ang Malacañang na magkaroon ng live coverage sa pagdinig ng Maguindanao massacre na nangyari noong Nobyembre 23, 2009 kung saan nasa 57 katao ang pinaslang kasama na ang 32 mamamahayag.
Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, mas makakabuting magkaroon ng media coverage upang mas lalong masubaybayan ang nangyayari sa pagdinig.
Isa aniyang media event ang nangyaring massacre kung saan pangunahing suspek si Datu Unsay mayor Andal Ampatuan, Jr. at ibang miyembro ng kaniyang pamilya.
Pero nilinaw din ni Lacierda na korte ang magdedesisyon kung papayagan ang live media coverage at hindi ang Palasyo.
Una nang hinarang ng korte sa Quezon City ang live media coverage kung saan hindi pinapayagan ang mga mamamahayag na magdala ng anumang electronic items katulad ng cellphones at tape recorder.
Ayon kay Lacierda, ang Supreme Court na lamang ang maaaring magdesisyon kung papayagan na mai-cover ng live ng media ang pagpapatuloy ng pagdinig.
source phil star