Basketbol ng Pilipinas
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalGalleryLatest imagesRegisterLog in

 

 SSC, AdU dumiretso sa Finals

Go down 
AuthorMessage
ginebraghurl

ginebraghurl


Posts : 354
Join date : 2010-07-04
Age : 32
Location : san juan

SSC, AdU dumiretso sa Finals Empty
PostSubject: SSC, AdU dumiretso sa Finals   SSC, AdU dumiretso sa Finals I_icon_minitimeMon Sep 13, 2010 11:29 am

MANILA, Philippines - Isinapormal na ng Adam­son University at ng San Sebastian College-Recoletos ang kanilang kauna-unahang paghaharap sa Finals matapos nilang tapusin ang kani-kanilang serye sa Game Two ng best-of-three semifinals ng ikalawang con­ference ng Saheky’s V-League Season 7 sa The Arena sa San Juan.

Tinuldukan ng Lady Falcons ang kanilang serye matapos durugin ang Lyceum sa loob lamang ng tatlong sets, 25-19, 25-17, 25-12 habang naitakas naman ng Lady Stags ang series clinching victory kontra Far Eastern University sa loob ng limang umaatikabong sets, 20-25, 25-22, 20-25, 25-19 at 15-11.

Ang three-time Best Blocker at guest player na si Michelle Laborte na dating lumaro sa University of St. La Salle ang bumandera sa pag-entra ng bataan ni coach Minerva Dulce-Pante sa kanilang ikatlong Finals appea­rance sa kanyang tiniradang 15 puntos kabilang ang anim na blocks habang nag-ambag naman ang mainstays na sina Angela Benting at Pau Soriano ng 13 at 11 pun­tos.

Tumipa naman ng tig-12 puntos ang tambalan nila Mary Jean Balse at Dahlia Cruz para pangunahan ang tropa ni Coach Emil Lontoc.

“Tiwala ako sa mga ba­ta ko”, ani Adamson mentor Minerva Dulce Pante, “Yung composition ng mga tao, malalim yung bench ko, lahat ng ipasok ko magaling”.

Pinagbidahan naman ni Thai import Jang Bualee, ang tanging manlalaro na ginawaran ng Finals MVP mula sa losing team, ang ikapitong beses na pagtuntong ng koponan ni Coach Roger Gorayeb sa kanyang inilistang 25 puntos habang ang conference MVP naman ng unang conference ng season na ito na si Suzanne Roces ay nagdagdag ng 23 puntos at si mainstay Joy Benito naman ay may 14.

Nanguna para sa Nes Pamilar-coached FEU squad si guest player Michelle Carolino na mayro­ong 24 puntos kabilang ang apat na blocks habang may 17 naman si Rachel Anne Daquis at 16 si Cherry Mae Vivas.
Back to top Go down
 
SSC, AdU dumiretso sa Finals
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» By the Numbers Finals Game 1
» Lady Stags trounce Tams, near finals
» FEU,Ateneo Start Finals Showdown
» Your 2010 Philippine Cup Finals Prediction
» RIVALS CLASH ON OPENING DAY OF EIGHT-FINALS

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Shakey's V-League-
Jump to: