Basketbol ng Pilipinas
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalGalleryLatest imagesRegisterLog in

 

 P-Noy namigay ng PhilHealth cards sa Tondo

Go down 
AuthorMessage
teph_47

teph_47


Posts : 475
Join date : 2010-06-21
Age : 37
Location : Pampanga

P-Noy namigay ng PhilHealth cards sa Tondo  Empty
PostSubject: P-Noy namigay ng PhilHealth cards sa Tondo    P-Noy namigay ng PhilHealth cards sa Tondo  I_icon_minitimeSun Oct 03, 2010 9:49 am

MANILA, Philippines - Sinorpresa kahapon ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga residente ng Baseco, Tondo, Manila ng mamigay ito ng PhilHealth cards sa mahihirap sa pag­lulunsad ng programang “PhilHealth Sabado”.

Ayon sa Pangulo, ang nasabing hakbang ay simula pa lamang ng nationwide Philhealth registration na kasama sa ipinangako niya sa mga mamamayan.

Kasama ng Pangulo sa pamimigay ng PhilHealth cards sina Manila Mayor Alfredo Lim, DSWD Sec. Dinky Soliman, DILG Sec. Jesse Robredo, at Health Sec. Enrique Ona.

Ayon kay P-Noy, simula pa lamang ito ng pagtupad sa kanyang pangako na susubaybayan at panganga­lagaan niya ang kalusugan ng mga mahihirap.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na nakalulungkot malaman na batay sa datos, sa 50 pasyente, apat lamang dito ay nabibiyayaan ng PhilHealth.

Tiniyak ni P-Noy na hindi malulustay ang pondong pangkalusugan at hindi magagamit sa pamumulitika.

Ayon naman kay Ona, nasa kalahating milyong pamilya ang inaasahang naiparehistro sa buong maghapon kahapon bilang bagong miyembro ng PhilHealth.

Target aniya nilang mamigay ng mga Philhealth cards sa limang milyong Pilipino sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sinabi naman ni Lim na mapalad ang mga residente ng Baseco, Tondo dahil sila ang unang napagkalooban ng PhilHeath cards ni Pangulong Aquino na kanilang magagamit upang makapagpa-check up.

Aniya, bukod pa rin ito sa libreng serbisyong medikal na ibinibigay ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga residente at sinumang nangangaila­ngan ng tulong.

Inaasahan umano na aabot sa 800,000 ang makakatanggap ng PhilHealth cards na maaring gamitin sa loob ng isang taon at puwedeng i-renew.


source philstar
Back to top Go down
 
P-Noy namigay ng PhilHealth cards sa Tondo
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
»  PNP told to produce Tondo torture victim
» Lim ordered hostage-taker’s bro ‘brought to Tondo’
» Cards foil scrappy Blazers in OT
» Cards make last trip to semis
» Aquino bans own face from immigration cards

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: