MANILA, Philippines - Aabot sa 85 percent ng pwersa ng PNP ang ikakalat sa buong bansa kaugnay sa nalalapit na Sangguniang Kabataan at Barangay elections sa Oktubre 25.
Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Agrimero Cruz Jr., ang kautusang ito ni PNP chief Raul Bacalzo ay upang matiyak ang malinis, maayos at mapayapang halalang pambarangay sa buong bansa.
Aniya, aabot sa 115,000 na pulis ang ikakalat ng PNP mula sa buuang 135,000 na puwersa nito lalo sa tinaguriang election hotspots.
Idinagdag pa ng PNP spokesman, ilang araw bago sumapit ang eleksyon ay ilalagay ang PNP sa full alert status.
Ang PNP ay ginawang deputado ng Comelec upang maging katuwang sa pagbabantay sa mga presinto, pagsasagawa ng security patrols at pagmamantina ng checkpoints katuwang ang AFP.
--philstar..