MANILA, Philippines - Masyado umanong “overkill” ang Malacañang kaugnay sa pahayag ni Pangulong Aquino na posibleng ma-paralisa ang Executive Department dahil sa ginawang pagharang ng Supreme Court sa Executive Order No.2 kaugnay sa pagsibak sa mga tinatawag na midnight appointees.
Ayon kay Senator Joker Arroyo, karapatan ng Supreme Court na magpalabas ng restraining order at hindi ito dapat kuwestiyunin ng Palasyo.
Sabi ni Arroyo, tuloy pa rin ang ligaya sa Malacañang at hind totoong magiging tali na ang kamay ng Pangulo dahil lamang sa naging desisyon ng SC.
Sinabi pa ni Arroyo na ang naging kautusan naman ng SC ay para sa ilang partikular na tao lamang at hindi sakop ang lahat ng mga tinatawag na midnight appointees ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Pinasaringan pa ni Arroyo ang Palasyo na pag-aralan muna lahat ng isyu bago magsalita.
Pero nauna na rin nitong nilinaw na hindi naman si Pangulong Aquino ang kaniyang pinapatamaan kundi ang mga nakapaligid umano sa Punong Ehekutibo.
ABS CBN