Basketbol ng Pilipinas
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalGalleryLatest imagesRegisterLog in

 

 It's all praises for Angel

Go down 
AuthorMessage
teph_47

teph_47


Posts : 475
Join date : 2010-06-21
Age : 37
Location : Pampanga

It's all praises for Angel   Empty
PostSubject: It's all praises for Angel    It's all praises for Angel   I_icon_minitimeSat Oct 16, 2010 9:50 am

It's all praises for Angel   Rk3m7510MUKHANG hindi nagkamali si Vivian Velez ng proyektong lalabasan as her comeback. Hataw sa ratings ang Imortal at kahit na sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin ang mga bida sa serye, proud na proud na nagkukuwento ang original Ms. Body Beautiful at Best Actress awardee ring si Vivian ng mga karanasan with the younger actors.

“I’m a big fan of them, lalo na ni Angel. Aaminin ko na sa rami ng mga teleserye sa TV, ‘yung Lobo lang talaga ang naumpisahan at natapos ko and I liked it so much kaya nga nang alukin ako for this, hindi na ako halos nag-isip pa,” tsika niya.

Although nagulat si Angel sa narinig, super-thankful siya lalo nang malaman niya from veteran writers na isa ring kilala at magaling na aktres si Vivian at tinaguriang Ms. Body Beautiful ng local showbiz.

“Natutuwa po ako. Kinabahan naman tuloy akong bigla,” nakangiting sagot ni Angel sa mga papuri sa kanya ni VV. Kaya nga habang nagba-bonding sila sa set ng Imortal, kakaririn na rin daw ni VV ang paghahanap ng magandang material for Angel na dream niyang mai-direk sa isang indie film.

* * *

SPEAKING of Angel and Lloydie, hindi na nila kinailangan pa ang extra talks and moments para mag-bonding bilang mga bida sa pinag-uusapang serye ng ABS-CBN.

“Araw-araw kaming may mga nadidiskubre sa amin at nakatutuwang isi-pin na marami pala kaming pagkakatulad sa buhay," say ng seksing si Angel.

Pareho raw silang naka-focus sa trabaho at ayaw maistorbo kapag nag-aaral ng scripts. Pareho rin daw silang palakain sa set at mahilig magbiro sa mga ka-trabaho. Iisa rin daw ang kakulitan nila, pero ‘pag sumi-gaw na ang mga direktor nilang sina Jerry Sineneng, Trina Dayrit at Chito Roño ng ready, action, “Hataw na kami,” hirit pa ni Angel.

Pressured daw sila ngayon dahil consistent na maganda ang ratings ng Imortal. Double-effort sila sa kanilang routine and action scenes dahil from time to time, may eksenang kaila-ngang sila mismo ang gumawa. Pero ang pinaka-wish daw talaga nilang mangyari, ‘yung lahat ng Kapamilya, mga magulang man at mga bata, ang sama-samang manood ng Imortal.

“Ibang klaseng high ka-si kapag ganu’n. So far naman, mukhang doon na pa-punta,” sambit pa nito.

* * *

NAPANOOD namin ang eksena ni Denise Laurel sa Kristine kung saan isinasauli na siya ni Rafael Rossel sa lolo niya sa Paso de Blas.

Nakakaloka ang moment na ‘yun ng seksi at magaling na aktres. Buung-buo niyang nakuha ang emosyon at nakiiyak talaga kami kasi ang husay-husay ng body movements ni Rafael habang umaalis.

Ang maganda pa, hinayaan ni Cristine Reyes na mag-moment si Denise (as Emerald) dahil eksena naman talaga ‘yun ni Emerald. Habang tumatagal, lalong nagiging maganda at exciting ang mga tagpo sa Martha Cecilia Presents Kristine sa Dos at kahit pa sabihin naming bongga ang ibang soaps na nauna tulad ng Imortal at Magkaribal, iba ang aura ng seksing sina Cristine at Denise plus hunks na sina Zanjoe Marudo at Rafael Rossel, and soon, makikigulo na rin si Rayver Cruz.

At hindi lang iyan, tu-gang na Butch, kahit ang se-nior stars ay hindi nagpapa-talbog. Ilang beses na ba na-ming pinupuri sina Robert Arevalo (Magkaribal), Irma Adlawan at Lito Legaspi (Kristine) dahil makailang ulit na rin nilang nanakawan ng eksena ang younger actors na kasabay nila sa scenes. Hahaha!

* * *

NAGSIMULA na ang kakaibang ingay sa mga barangay natin.

‘Yun pala, may barangay eleksyon na paparating kaya busy na naman ang kapitbahay, kapamilya, kapuso at kapatid natin sa pagpili ng pagtitiwalaan nilang leaders sa kani-kanilang lugar.

Sinasabi nilang ang pagi-ging Punong Barangay ang pinakamababang posisyon na maaaring ambisyunin ng isang politiko, pero nakaka-loka pala ang powers nito, tugang na Butch and dear Taliba readers.

Ini-exercise pala ng isang Kapitan ang pinagsama-samang legislative, executive at judicial powers kaya naman pala may mga gumagawa ng kung anu-ano para mailuklok lang sila sa posisyon. No wonder, kahit ‘yung nasa remote areas, ta-lagang super-lahok dito hanggang sa prominent areas tulad ng Barangay San Lorenzo Village sa Makati City.

Mabuti na lang at kilala namin ang incumbent (and hopefully ay maging third termer) Barangay Captain na si Joshua John Santiago o mas kilala namin bilang si Jay Santiago ng nasabing lu-gar, kahit pa binabatikos siya on certain issues ayon sa tsika sa amin ng ilang kilala naming tagaroon. Kumbaga sa showbiz, walang maitapong pintas o batikos ang mga nagpapara-ting sa amin ng tsika.

Hahaha!

Anyway, nagulat talaga kami, tugang na Butch, nang malaman naming ang isang tumatakbo pala sa posisyon du’n ay nagparehistro ng halos tatlong dosenang (umaabot sa 32 katao) kasambahay niya para ga-wing botante. Napanganga talaga kami nu’ng makita namin ang lugar dahil hindi namin lubos-maisip kung paanong magkakasya sa ganu’ng bahay ang ganoon karaming kasambahay, huh!

Anyway, since sports-minded at civic-oriented ang kaibigan naming si Jay, na part-time actor din, mas gusto na niyang ituon ang isyu sa mga magagawa pa niya para sa lugar nila, lalo ang pagpapatuloy niya sa advocacy niya on “persons with disabilities, down syndrome association, sportsfest, peace and order, youth development programs at iba pang noteworthy activities” na noon pa man ay ginagawa na nila sa Bgy.San Lorenzo.

Biro nga namin sa kanya, sa susunod naming indie movie, gagawin namin si-yang kontrabida para matuwa ang mga kalaban niya ka-hit sa guwapo at tikas niya ay pambida siyang talaga.

Lumabas na siya sa Last Viewing movie ni Janice de Belen, in case, may nagtata-nong. Hahaha!

JOURNAL OL
Back to top Go down
 
It's all praises for Angel
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: