Basketbol ng Pilipinas
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalGalleryLatest imagesRegisterLog in

 

 Red Lions sasakmal ng 9-0

Go down 
AuthorMessage
benchok24
Admin
Admin
benchok24


Posts : 1071
Join date : 2010-06-10
Age : 41
Location : makati

Red Lions sasakmal ng 9-0 Empty
PostSubject: Red Lions sasakmal ng 9-0   Red Lions sasakmal ng 9-0 I_icon_minitimeMon Aug 23, 2010 11:12 am

Mga laro ngayon:
(The Arena, San Juan)
10:00 a.m. -- SSC-R vs EAC (jrs.)
12:00 a.m. -- SBC vs CSB (jrs.)
2:00 p.m. -- SSC-R vs EAC (srs.)
4:00 p.m. -- SBC vs CSB (srs.)

Itatayang muli ng San Beda Red Lions ang ta­ngang malinis na baraha ngayon kontra College of St. Benilde Blazers sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa second round eliminations ng 86th NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan.

Winalis ng Red Lions ang unang yugto ng elims at bitbit ang imakuladang 8-0 win-loss record.
Pagkuha ng kanilang ikasiyam na panalo at pagkumpleto ng elims sweep sa Blazers ang habol ng Mendiola-based squad sa pagsabak sa digmaan sa alas-kuwatro ng hapon.

Bitbit ng San Beda ang mataas na momentum pagpasok sa laro matapos ang kumbinsidong resbak sa tumalo sa kanila sa nakaraang taong finals na San Sebastian Stags, 88-76, noong Miyerkules.

Sa nasabing laro ay naglagak ng 14 points at season-high 19 rebounds si sophomore 6-foot-7 American center Sudan Daniel para sa SBC at ito ang muling aasahan ni Frankie Lim na gagawa para sa Red Lions.

“It’s a brand new start for us and we just have to keep doing what we did right in the first round and hopefully improve some of it,” ani San Beda coach Frankie Lim, na nais ulitin ang 87-61 paggapi sa CSB noong Agosto 11.

Kasalukuyang nasa seventh to eight spot ang Blazers kapantay ng Emilio Aguinaldo College Generals, na kalaban sa first game sa alas-dos ang Stags, sa 2-6 slate.

Mula sa 79-70 ang Taft-based squad kontra Perpetual Help Altas noong isang linggo na tumapos sa kanilang kinalugmukang 6-game losing streak.

Susubukan namang makabawi ng SSC-R mula sa kanilang masagwang kabiguan sa pagtatapos ng elims upang madagdagan ang hawak na 7-1 record at lumayo sa sumusunod na Jose Rizal U Heavy Bombers (7-2).

Mula sa 65-88 kabiguan ang EAC sa Letran Knights noong isang linggo.


Back to top Go down
 
Red Lions sasakmal ng 9-0
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Red Lions Smother Knights For 4th Win
» Red Lions complete 'Sweep 16'
»  Lions' next goal: Another 3-peat
» Stags, Lions Seek 2nd Win
» Stags Tie Lions For NCAA Lead

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Other League :: NCAA-
Jump to: