Basketbol ng Pilipinas
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalGalleryLatest imagesRegisterLog in

 

  Nietes 'di natatakot sa Mexican

Go down 
AuthorMessage
SuperMeg

SuperMeg


Posts : 248
Join date : 2010-06-28
Age : 26

  Nietes 'di natatakot sa Mexican   Empty
PostSubject: Nietes 'di natatakot sa Mexican      Nietes 'di natatakot sa Mexican   I_icon_minitimeSat Aug 14, 2010 2:20 pm

MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagkaka­taon, muling itataya ni Filipi­no world minimumweight champion Donnie “Ahas” Nietes ang kanyang korona sa Mexico.

Sa kanilang press con­ference kahapon sa Ma­ris­cos La Bahia Restaurant sa Guasave, Sinaloa, Mexico, sinabi ni Nietes na hindi siya natatakot na dumayo sa Mexico upang itaya ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) minimumweight crown.

“I am not in any way afraid of my opponent,” sabi ng 28-anyos na si Nietes, nakatakdang sagupain si Mexican challenger Mario “El Dragoncito” Rodriguez bukas sa Luis Estrada Medina Stadium sa Sinaloa, Mexico.

Ito ang ikaapat na pagkakataon na itataya ng tubong Murcia, Negros Occidental ang kanyang hawak na WBO minimumweight title.

Matapos biguin si Pornsawan Porpramook via una­nimous decision para sa dating bakanteng WBO minimumweight belt noong Setyembre 30, 2007 sa Cebu City, dalawang sunod na naidepensa ang natu­rang titulo.

Tinalo ni Nietes si Eddy Castro via second-round KO noong Agosto 30, 2008 sa Cebu at umiskor ng isang unanimous decision kay Erik Ramirez noong Pebrero 28, 2009 sa Oaxaca, Mexico bago isinunod si Manuel Vargas sa bisa ng isang split decision noong Setyembre 12, 2009 sa Nayarit, Mexico.

Kasalukuyang tangan ni Nietes ang 26-1-3 win-loss-draw ring record kasama ang 15 KOs kumpara sa 10-5-3 (7 KOs) ng 21-anyos na si Rodriguez, ang Continental American champion.
Back to top Go down
 
Nietes 'di natatakot sa Mexican
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Nietes retains WBO title, outlasts Mexican foe in tough defense
» Drug test issue raised after Nietes WBO title defense
» Donaire TKOs Mexican, Defends WBA Title
»  Ex-Champ Viloria Eyes Redemption Opposite Mexican Foe

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Boxing, MMA & Other Sports-
Jump to: