NOONG nabubuhay pa si Melody Gersbach, isa lamang siya sa maraming winner ng Bb. Pilipinas contest, pero sa kanyang pagpanaw noong Sabado, biglang nagkaroon ng interes ang mga tao na malaman ang background niya.
Nakilala namin nang personal si Melody noong nakaraang taon dahil isinama kami ni Ricky Lo sa interbyu nito para sa mga newly-crowned winners ng Bb. Pilipinas contest.
Sa mga major title-holder ng Bb. Pilipinas 2009, si Melody ang madalas na unang napapansin dahil sa kanyang itsura. Mukhang manika si Melody at ito ang epekto ng pagkakaroon niya ng German blood.
Nang makausap namin noon si Melody, sinabi nito na bukod sa pagkakaroon ng beauty title, busy siya sa pamamahala ng kanilang family-owned restaurant sa Bicol. May restaurant din sila sa Boracay na mina-manage ng kanyang kapatid na lalake.
Huli naming nakita si Melody sa send-off party para kay Venus Raj sa Mandarin Suites ng Gateway Mall noong August 2, 2010. Si Ricky uli ang aming kasama sa send-off party at si Melody ang topic namin dahil lalong gumanda ang beauty queen, isang taon pagkatapos na mapanalunan niya ang Bb. Pilipinas-International crown.
Si Melody ang representative sa 49th Miss International contest na idinaos noong November 28, 2009 sa Sichuan International Tennis Center, Chengdu, Sichuan, China. Hindi man niya nakuha ang Miss International crown, pinalad si Melody na makapasok sa semifinals.
***
Nasawi sa aksidente si Melody dahil binangga ng isang pampasaherong bus ang kanyang sinasakyan. Namatay din ang dalawang kasama ni Melody at sa imbestigason ng Camarines Sur police, ang driver ng bus ang may kasalanan.
Sumakabilang-buhay si Melody sa edad na 24. Limang araw na ibuburol sa kanilang bayan sa Bicol ang kanyang labi at ililipad ito sa Taguig City dahil napagkasunduan ng pamilya niya na ilibing siya sa Heritage Park.
Bago pumanaw si Melody, nakapagdesisyon siya na pasukin ang showbiz. May mga plano na ang kanyang manager na si Jonas Gaffud (Mercator Talents President) na i-enroll si Melody sa acting workshop bilang paghahanda sa pagpasok niya sa entertainment industry.
Nasa Amerika si Jonas nang matanggap niya ang malungkot na balita. Hindi pa makakauwi si Jonas dahil susuportahan niya si Venus Raj sa Miss Universe contest na gaganapin sa Mandalay Bay Events Center, Las Vegas sa August 23.
Sa pamamagitan ni Doc Gamboa, natanggap namin ang statement ni Jonas tungkol sa untimely demise ni Melody:
“We are very saddened by the sudden demise of Melody Gersbach, Bb Pilipinas International 2009. I was supposed to talk to her this September for our plans regarding her career after Binibini.
“The news came as a shock at a time when we are here in Vegas supporting a very close friend of Melody, one of the girls she helped train for Binibining Pilipinas, Venus Raj, who is now competing for the Ms. Universe pageant.
“She is a sister to Mercator models and artists who have had the chance of getting to know her. We pray for the eternal repose of her soul.
“Thank you so much to everyone who has expressed sympathy. And thank you to everyone who has supported Melody since she started with us in 2009 in her quest for the Bb. Pilipinas crown.
Thanks to Gerry Diaz, Nad Bronce, Arnold Mercado, Albert and Arj, Bessie Besana, Ces Evangelista, Jeffrey Jeturian and John Cuay. Sa inyong pagsuporta kay Melody, maraming- maraming salamat po.
“Lastly, thanks to her mom, Mommy Bot, for trusting us to handle her in this short period of time.”