Basketbol ng Pilipinas
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalGalleryLatest imagesRegisterLog in

 

 Katoliko iimpis!

Go down 
AuthorMessage
teph_47

teph_47


Posts : 475
Join date : 2010-06-21
Age : 37
Location : Pampanga

Katoliko iimpis! Empty
PostSubject: Katoliko iimpis!   Katoliko iimpis! I_icon_minitimeSun Oct 03, 2010 9:50 am

Malamang ay maubos ang kongregasyon o kasapian ng Simbahang Katoliko sa pag-impis ng bilang ng mga Katoliko kung ‘excommunication’ o pagtitiwalag ang hatol ng mga obispo sa lahat ng sumusuporta sa artipisyal na paraan ng paglilimita ng anak sa isang pamilya, sa pangunguna na ni Pa­ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.


Sinabi ni House minority leader Edcel Lagman kahapon na milyun-milyong Katoliko ang pumapabor sa malayang pamimili ng mag-asawang Pinoy kung gagamit ba sila ng condom at iba pang contraceptives o susundin ang natural method ng Simbahang Katoliko.


Serious talk? --- Sina Pangulong Noynoy Aquino at Manila Mayor Alfredo Lim na nagkita kahapon sa pamumudmod ng PhilHealth membership cards sa mahihirap na residente ng Baseco Compound, Tondo, Manila. Si Lim ay sabit sa palpak na paghawak sa hostage incident sa Quirino Grandstand noong Agosto 23 at isa sa mga inirekomendang makasuhan. (AFP)


Patuloy pa ring bumabaha ng atake sa Simbahan mula sa hanay ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.


Isa si Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo sa nagsabing napakatagal na panahon nang nanghihimasok at nakikialam sa mga polisiya ng gobyerno ang Simbahang Katoliko.


“Hindi ito ang unang pagkakataon na tumutol ang Simbahang Katoliko sa mga patakarang secular.

Noong 1950’s kontra sila sa pagpasa ng Rizal law ni Senator Claro M. Recto na pinatuturo ang Noli at El Fili sa colleges and universities,” kwento ni Gunigundo.


Pinitik naman ni Gabriela partylist Rep. Luzviminda Ilagan ang para sa kanya’y “over reaction” ng Simbahan sa pagpapakulong at pagdedemanda kay Carlos Celdran, ang tour guide na nagprotesta sa loob ng Manila Cathedral noong Huwebes.


Hindi rin nito nagustuhan ang bantang ‘excommunication’ sa Pangulo. “Ang Simbahan naman over reaction. Hindi dapat manakot. Mag-usap dapat,” dagdag ng lady solon.



source abante
Back to top Go down
 
Katoliko iimpis!
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» P-Noy ititiwalag sa Katoliko

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Basketbol ng Pilipinas :: Not just Basketball! :: Entertainment & Current Events-
Jump to: