MANILA, Philippines - Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na dapat na gawin ding holiday ang araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 25, 2010.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, alinsunod sa batas ang lahat ng araw ng halalan ay dapat na holiday kaya’t hihingi sila ng executive order sa Malacañang upang ideklara ang election day na walang pasok.
Aniya, karaniwan namang idinedeklarang holiday ang araw ng halalan kahit pa ito ay Barangay at SK elections.
Samantala, nagpaalala si Jimenez sa mga naghain na ng kanilang kandidatura na ipinagbabawal pa ang pangangampanya. Aniya, Oktubre 14 hanggang Oktubre 23 nakatakda ang kampanya.
Una ng inilabas ng Comelec ang Resolution No. 9019 na ideneklarang election period ang Setyembre 25 hanggang Nobyembre 10, 2010 kung saan sa panahong ito ay ipinapatupad na ang gun ban.
abs cbn