LILIPAD patungong Europe si Angelu de Leon para sa honeymoon nila ng mister niyang si Lorenzo “Wowie” Rivera at halos one month silang mawawala.
Ikinasal sina Angelu at Wowie last Sept. 17 sa Sofitel Hotel sa isang Christian marriage ceremony. Biglaan ang kanilang kasal pero iginiit ni Angelu na hindi pa siya buntis.
“I wish I am. Huwag muna. Hayaan n’yong namnamin muna namin ang pagiging bagong kasal,” say niya sa presscon ng Koreana weeks ago.
Ang ikinatutuwa ng former TGIS star, tanggap ng kanyang bagong mister ang dalawa niyang anak sa former boyfriends.
“Ay, he treats them as his own kaya sobrang proud ako sa kanya,” nakangiting pahayag pa ng aktres.
Dahil sa honeymoon, pansamantala munang ma-wawala ang kanyang role sa seryeng pinagbibidahan ni Kris Bernal.
“Actually, when they offered me the role, katatapos lang ng kasal namin. Timely, though, na talagang mawawala ‘yung character ko sa series. Kaya tuloy ang honeymoon namin. God is really good,” say pa lalo pang gumandang aktres.
* * *
HINDI ipinagkait ni Rocco Nacino ang nalalaman niya sa Muay Thai para ibahagi sa kapwa StarStruck winner na si Steven Silva.
“Just got a crash course from Rocco. Sarap magpapawis. Salamat bro!” say ni Steven.
Ipinagmamalaki ng Fil-Am actor ng Koreana, co-star nina Rocco and Kris Bernal, na medyo na-tense raw siya sa kanyang first fight scene sa serye.
“I did my first fight scene kanina (Oct. 13). Grabe medyo na-tense ako pero masarap ang feeling,” says the Ultimate Male Survivor.
First major project ito ni Steven kaya tuwing taping, he makes sure na handa siya sa mga eksenang gagawin. Unti-unti na rin niyang natutunang magsalita ng Tagalog. Thru GMAAC, sumailalim siya sa serye ng language workshops para sa mga susunod pa niyang Kapuso shows.
* * *
STAR-STUDDED ang birthday celebration ni Tessa Aquino kaya memorable ito sa kanya. Dumating ang ilang kaibigan niyang artistang tulad nina Gerald Santos (PO5), Derick Monasterio (Tween Hearts), Stef Prescott (Grazilda), Kris Martinez (Imortal), Luke Mijares and Faith Cuneta.
Bigay ng mister niyang si Arch. Zaldy Aquino ang party na ginanap sa Music 21. Imbes na tatlong kanta lang ang iparirinig ni Gerald, nadagdagan ito dahil sa walang humpay na request ng mga bisita. Ilan sa ipinarinig ng Pinoy Pop Superstar grand champion ay Muli at Hanggang na kasama sa kanyang unang album. Ipino-promote na rin ni Gerald ang album niyang na ma-lapit nang mabibili sa mga record stores nationwide.
JOURNAL OL