MANILA, Philippines - Kung kailan matatapos na ang NCAA at kung kailan out na sila sa labanan sa Final Four, nagpalit pa ng head coach ang Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals sa katauhan ng dating PBA Rookie of the Year na si Gerald Esplana.
Pinalitan ni Esplana si dating head coach Nomar Isla na pormal namang itinalaga bilang EAC representative sa NCAA Management Committee. Si Isla rin ang sports development head ng EAC.
Nung isang taon, tumayo bilang assistant coach ni Isla si Esplana.
Si Esplana ay naging ROY sa PBA noong 1990 habang naglalaro siya sa Presto. Naglaro din siya sa Sta. Lucia na siyang bumili ng franchise ng na-disband na Presto team, at nung lumaon ay naglaro rin siya sa Shell kung saan nag-retiro na siya sa paglalaro nung 2003. Si Esplana ang itinuturing na isa sa pinakamagaling na pointguards sa PBA. Nag-high school siya sa San Beda at nag-college naman sa San Beda at FEU,
Mapapasabak sa kanyang unang hamon bilang head coach si Esplana sa laro ng EAC Generals kalaban ang JRU Heavy Bombers sa NCAA sa Miyerkules.
“Wala na kaming laban sa Final Four, pero at least habol namin ay ang matapos ang season with a decent and respectable finish. Nagpapasalamat ako sa management ng EAC at kay Coach Nomar (Isla) sa pagbibigay sa akin ng tiwala,” sabi ni Esplana.
Samantala, pupuntiryahin naman ng nagdedepensang kampeong San Sebastian
Stags na mapalapit sa twice-to-beat incentive sa Final Four sa kanilang pakikipaglaban ngayong alas-4 ng hapon sa Letran Knights sa pagpapatuloy ng second round ng 86th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.
Nauna rito, maghaharap naman ang Mapua Cardinals at Perpetual Help Altas sa alas-2 ng hapon.
www.philstar.com